HARD TALK
ni Pilar Mateo
SEVENTY two years old! Hindi mahahalata.
Wearing not just ‘yung sinasabing different hats, Joyce Peñas Pilarsky is donning several gowns paired with crowns and trendy outfits na talaga namang pinag-uusapan in different timelines. Fashion!
Kasi nga, with her statuesque stance, this lady is sure to make heads turn.
Matapos ang walang-tigil na mga pageant, huminga muna ito sandali. To give way to another passion na noon pa niya pinaplano.
Ang magkaroon ng sariling kantang masusubaybayan na sa sari-saring music platforms.
Ang awit penned by master composer Vehnee Saturno, ang Walang Imposible.
Full of positivity, hope and encouragement ang laman ng kanta na inilunsad kamakailan.
Kasabay pa rin ang pagtanggap sa nga parangal bilang Mrs. Elite Elegante World International 2026.
Hindi man ito pinalad sa paglahok sa Miss Universe 2024 dito sa bansa na pinag-usapan ang pagiging pinaka-may edad na kandidata, hindi ‘yun alintana ni Joyce.
Mas pinansin ito sa huling sinalihan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
At kamakailan din, ginawaran ito ng parangal ng kauna-unahang Iconique Prestige Awards ng gaya niyang pilantropo na si Cecille Bravo gayundin si Raoul Barbosa bilang bahagi ng kanilang Timeless Icon: Legacy in Fashion, Beauty and Culture.
Karisma ang tinataglay ni Joyce.
Nasubukan na nito ang mag-artista. Mag-produce ng pelikula, maging designer. At walang tigil na pagiging matulungin sa kanyang mga charity work at adbokasiya. Bukod pa sa pagiging isang flight attendant matapos magkolehiyo. Naging negosyante.
Dumaan sa mga pagsubok. Na hindi naman niya inuurungan.
At bonus na nga lang siguro ang kanyang pagkanta. Ang pampakalma sa mabilisang ikot ng buhay.
Sa Walang Imposible, tila sinabi ng lahat ng saloobin niya ang nais na ipahiwatig ng kanta. Mensahe lalo na para sa mga madaling mawalan ng loob at maunahan ng takot at mawalan ng tapang.
Empowered woman nakilala si Joyce. Noon hanggang ngayon. Lumalaban. At ito ang ipinaramdam niya sa nasabing kanta.
Ang sabi nga ng the great Saturno, “’Yang walangn imposible, si Joyce mismo ‘yan. Siya ‘yan. Kaya sa naging kwentuhan namin for this project, doon lumabas lahat ng saloobin niya. Kaya ang ginawa ko, danceable na parang Spanish beat lang ang atake. Galawan na hindi malikot. At sexy. If you see the video, makikisayaw at kanta ka na rin. Pero malinaw ang mensahe!”
