TEAM nakipagtulungan kay Kuya Daniel Razon para sa medical mission

Daniel Razon TEAM

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAGSAGAWA ng courtesy meeting nitong Martes  ang mga opisyal ng The Entertainment Arts & Media (TEAM), sa pangunguna ng kanilang pangulong si Noel Orsal. Ginanap ito  sa tanggapan ni Kuya Daniel Razon para paghandaan at plantsahin ang mga detalye ng nalalapit na medical mission na isasagawa ng TEAM.

Pangunahing layunin ng meeting na palakasin ang suporta para sa mga artista at media workers sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kalusugan at serbisyo sa komunidad.

Mainit na tinanggap ni Kuya Daniel ang delegasyon ng TEAM at ipinahayag ang kanyang pagpapahalaga sa adbokasiya ng organisasyon.

Bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtutok sa public service, nagpahayag si Kuya Daniel ng kahandaang suportahan ang TEAM at ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan para sa isang medical mission na naglalayong maghatid ng mas maaabot na serbisyong pangkalusugan sa mga nasa entertainment at media industry.

Sa pangunguna ni President Noel, layunin ng medical mission na makapagbigay ng libreng medical consultation, health services, at health education para sa mga miyembro ng TEAM at kanilang mga pamilya.

Ipinakikita ng partnership na ito ang iisang hangarin ng TEAM at ni Kuya Daniel na makatulong at makapaglingkod, lalo na sa mga manggagawa gaya ng media sa entertainment  industry na nangangailangan ng higit na suporta para sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Sa commitment ni Kuya Daniel at sa pamumuno ni President Noel, nakatakdang isakatuparan ng TEAM ang makabuluhang proyektong ito sa mga susunod na linggo.

Ang iba pang detalye tungkol sa medical mission ay ipaaalam sa lalong madaling panahon, bilang panibagong hakbang ng TEAM sa kanilang misyon na alagaan, suportahan, at itaguyod ang kapakanan ng kanilang lumalaking grupo sa industriya.

All out ang suporta ni Kuya Daniel sa samahan. At anumang sandali ay bukas ang kanyang pandinig sa iba pang idudulog ng grupo at ituturing siyang isa na ring adviser.

Para sa ating lahat ito. Sa members ng media ng industriya!