NAGBABALA ang Philippine Embassy sa France sa mga Filipino na umiwas sa sabong dahil ito ay itinuturing na ilegal sa naturang bansa.
Kasunod ito ng alerto mula sa French authorities hinggil sa operasyon ng sabong.
Ayon sa embahada, ang mahuhuling sangkot ay maaaring makulong nang tatlong taon at pagmultahin ng 45,000 euro o katumbas ng P3.22 milyones.
“Illegal cockfighting is an act of animal cruelty punishable in France by three-year imprisonment and a fine of 45,000 euros,” nakasaad sa abiso.
Dagdag ng Embahada, nakatanggap sila ng reklamo kaugnay ng panggugulo sa kapayapaan at pagkakalat na may kinalaman sa naturang aktibidad.
Paalala ng embahada: “Living and working in France would entail respect for and observance of French laws. Let us maintain the good name and reputation of the Filipino community with our French hosts.”
