Joyce Penas Pilarsky inilunsad Walang Imposible single

Joyce Penas Pilarsky Walang Imposible Vehnee Saturno

MA at PA
ni Rommel Placente

BALIK-RECORDING si Joyce Penas Pilarsky. May bago siyang single titled Walang Imposible, composed by Vehnee Saturno. Noong Friday, inilunsad ito sa Teatrino Promenade Greenhills.

Sa tanong kay Joyce, kung ano ang feeling niya na finally ay nai-launch na ang kanyang bagong single, ang sagot niya,”I really praise and thank God, na binigyan niya ako ng chance ngayon to promote this.

“Kasi matagal na ‘to, eh. Parang gusto ko siyang i-launch noon pa. Kaya lang parang ang daming nangyayari. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin nalo-launch.

“I think, I believe, may plans talaga si Lord sa  buhay natin. Hindi natin alam kung bakit.

“‘Di ba nagku-question tayo, bakit ganoon? Bakit ganito? Tapos later on, mari-realize mo kaya pala nangyari  ito,  because ang plans ni Lord, ganyan, ganito.

“So I’m very happy.”

Bukod kay Vehnee, na nagtiwala sa kanya na gawan siya ng single, sino pa ang mga taong masasabi niyang naniniwala at nagtitiwala rin sa kanya?

“I think, marami talaga sila. Ang haba ng listahan kung babanggitin ko pa sila.

“I won’t mention their names, hindi ninyo rin naman sila kilala.

“Pero alam nila kung sino-sino sila.

“I’m very thankful na lagi silang nandyan for me.

“They are part of my life.”

Dahil Walang Imposible ang title ng  bagong single ni Joyce. Pina-complete sa kanya ang sentence na..Para sa akin walang imposible dahil.. Ang sagot ni Joyce ay. “Para sa akin walang imposible dahil God loves me.”

Paano niya inuumpisahan ang buong araw niya mula paggising ng umaga at magtatapos sa gabi?

Basta importante po para sa akin, noong maliit pa kami, tinuruan kami paggising mo pa lang ng umaga, pag-open mo pa lang ng eyes mo, thank God you are still alive.

“Then I pray and meditate. And thank God for all the blessings.

“Then in the evening, of course, I thank God for all the things that happened to me that day. Kung hindi man maganda. I learned something from it.

“And then kung mas maganda siya, thank you the blessings.

“I always started and end my day with a prayer. I  think important ‘yun, eh,” aniya pa.