MA at PA
ni Rommel Placente
NAGTATAKA si Christopher de Leon kung bakit nauwi sa bangayan ang relasyon ng magkapatid na sina Ian at Lotlot de Leon gayung lumaki ang mga ito na sobrang close.
Wala raw siyang kinakampihan sa sinuman sa dalawa kahit pa sarili niyang dugo’t laman si Ian.
Naniniwala ang award-winning actor na magkakaayos din ang dalawa.
Naniniwala rin siyang nasa tamang edad na ang magkapatid para gumawa ng desisyon sa kanilang mga buhay.
Nandoon naman siya para gabayan ang mga ito kung hihingi ng payo.
Tungkol naman sa apong si Janine Gutierrez, ayaw niyang patawag na lolo sa aktres.
Mas bet dniyang ina-address siya nito bilang “Oppa.”
Hinggil naman kay Jericho Rosales, binilinan niya ito na alagaan si Janine.
Boto rin siya kay Echo dahil mabait at responsableng tao.
