IPATUTUPAD ng Manila Police District (MPD) ang road closures at traffic rerouting scheme sa ilang kalsada sa lungsod sa Lunes, 21 Setyembre upang bigyang-daan ang mga demostrasyon na ikakasa ng ilang grupo kaugnay ng paggunita sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa.
Sa abiso ng MPD, sarado simula 12:01 AM sa 21 Setyembre ang C.M. Recto Avenuw, mula Nicanor Reyes St. (dating Morayta) hanggang Mendiola Bridge at kahabaan ng Legarda mula Figueras St. hanggang San Rafael St.
Sa Liwasang Bonifacio, isasara ang Magallanes Drive mula Jones hanggang McArthur Bridge, gayondin ang Ayala Bridge, eastbound lane ng Ayala Blvd., mula San Marcelino hanggang Romualdez St.
Kaugnay nito, magpapairal ang MPD ng traffic rerouting upang maiwasan ang posibleng pagsisikip ng trapiko sa lungsod.
Pinayohan ang mga motorista na planuhin ang kanilang lakad para sa nasabing araw at humanap ng alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon.
