MATABIL
ni John Fontanilla
MULA pito ay dalawa ang natanggal sa Star Quest (Nachi at Pen) sa ginanap na elimination noong Martes September15, ng I GEE Studios.
Ipinamalas ng pitong Questors ang kanilang husay sa pagkanta, pag-arte, at pagsayaw at sa pinagsamang scores ng mga hurado, social media votes at boto ng production staff ng I GEE Studios at dalawa ang natanggal at lima ang natira.
At ang limang natira na sina Noah, Arwen, Ecko, Yuna, at Dana ay muling sasabak sa iba’t ibang challenges ngayong linggo.
Nagsilbing hurado ang singer, host, actor at It’s Showtime BidaMan na si Jiro Custodio, kasama sina Zenly Diansuy, Jeffrey Caramat (Dance Squad member), Ralfonso Pangulan (businessman ), at DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM 97.1.
Espesyal na panauhin ng episode na iyon si Jam Leviste na nag-promote ng kanyang latest single, NASSA (Nawawala Ako Sa Sarili) by Vehnee Saturnounder Vehnee Safurno Music with Dance Squad Dancers at ang all male Ppop Group na NXT Gen.
Regular host ng I GEE Studios sina Xan Xan, Jairex, Zhian, Shayne, Jarred, James and Jam at in house dancers naman ang Dance Movers Crew.
