Wilbert at Bea ikinukompara sa AlDub

Pee Mak WilBea Wilbert Ross Bea Binene

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI dinidibdib ng Viva actress at isa sa bida ng inaabangang Philippine adaptation ng Thailand blockbuster film na Pee Mak na si Bea Binene

ang taguri sa kanila ng mga press at netizens na Phenomenal Loveteam.

Ang tambalan nila ni Wilbert Ross ang ikinukumpara sa Phenomenal Loveteam na AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza).

Ayon kay Bea sa ginanap na grand mediacon ng pelikula nila ni Wilbert na PeeMak, na ginanap sa Cinema ng Robinson’s Magnolia last Sept. 16, “Hindi ko po siya dinidibdib, siguro ang sa akin po nagpapasalamat lang ako sa oportunidad na ibinibigay ng Viva for us to play and do this project.

“So some people say na ah their there, parang they’re doing something good.

“Pero sobrang nagpapasalamat po ako sa Viva and of course laking bagay po sa mga fan.

“Kasi kung hindi naman dahil sa kanila, kung hindi nila sinusuportahan ‘yung mga project na ginagawa namin wala po kami rito.”

Naniniwala si Bea sa lahat ng projects na ginagawa niya ay laging may presure.

And ‘yun siguro, and of course kahit saang project naman po, kahit anong ginagawang projects, there will always be presure.

“But for me siguro drive siya to push even further sa lahat po ng mga ginagawa ko na gagalingan pa palagi.

“Kasi siyempre po maraming naniniwala, pero all in all, I’m just really grateful po sa lahat ng opportunities at sa lahat ng tiwala na ibinibigay ng Viva.

“Kasi hindi po siya small things ‘di ba, malaking bagay at malaking challenge siya, pero ‘yun thankful po.”

Makakasama nina Bea at Wilbert  sa Pee Mak sina TJ Valderma, Vandolph, Jairus Aquino, at Gian Bernardino directed by Victor Villanueva.

Mapapanood in cinemas nationwide simula October 14, hatid ng Viva Films.