NLEX handang makipagtulungan sa pamahalaan sa usapin ng baha

NLEX

HANDANG makipagtulungan ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa pamahalaan sa kahit anong solusyong ilalapat sa problema ng pagbaha sa kalye sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Nagpahayag ng kahandaan ang NLEX matapos sabihin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez sa pagdinig ng Senate Committee on Finance ang ukol sa 2027 proposed budget ng ahensiya.

Sa naturang pagdinig, sinabi ni Lopez na nakatakda silang magpulong ni Department of Public Works and Highways  (DPWH) Secretary Vince Dizon at mga konrtratista upang tugunan ang mga problemang hinaharap sa NLEX.

Aminado  si Lopez, sa kasagsagan ng mga programang lalo pang magpapaganda ng serbisyo sa NLEX ay naapektohan din talaga ang mga lugar dahil may mga natatamaang hindi dapat tamaan ang mga kontratista.

Ngunit tiniyak ni Lopez, agad nilang tutugunan ang problema upang matugunan sa lalong madaling panahon ang problema ng pagbaha sa tuwing malakas ang pag-ulan.

Tinukoy ni Senate President Sherwin Gatchalian, sa kanilang lugar sa Valenzuela apektado rin ng problema ay kayang-kaya naman nilang tugunan at bigyanng solusyon ngunit sa ibang lugar tulad ng Bulacan ay hindi na nila kakayanin pa sapagkat hindi ito sakop ng kanilang lungsod.

Tiniyak ni Lopez, lahat ng programa, proyekto, at improvement sa NLEX ay nakabatay at naayon sa nakatakdang plano o design.

Tiniyak ng pamunuan ng NLEX na gagawin nilang lahat ang maaaring solusyon upang tugunan ang problema ng pagbaha sa tuwing umuulan.

Ipinunto rin ng pamunuan ng NLEX na ang pangunahing layunin nila ay hindi lamang maging ligtas kundi mapabilis ang biyahe ng bawat motorista patungo at palabas ng norte.