Robb at Yasser bibida sa obra ni direk Louie

Yasser Marta Robb Guinto Louie Ignacio Desperada

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG bagong proyekto sa VMX ang mapapanood ngayong September, ang Desperada.

Sa magulo at masalimuot na mundo, na kakaunti ang tiyansa ng pag-asa, isang babaeng nawawala ng landas ang makararanas ng malasakit, pag-aalaga, at higit sa lahat, pagmamahal.

Mula sa direksiyon ni Louie Ignacio, panoorin sina Robb Guinto, Yaser Marta, Mhack Morales, kasama pa sina Julianne Richards, Sue Prado, at Mercedes Cabral. Streaming na ang Desperada sa VMX, simula September 18, 2026.

Kuwento ito ni Brenda (Robb), isang dalagang may struggle sa mental health at ipapasok sa isang facility na pinangangalagaan ng social worker na si Miriam (Sue) at ng partner niyang si Carol (Mercedes).

Makikilala ni Brenda rito ang mga kapwa pasyente na sina Gigi (Julianne) at si Hesus (Mhack), isang lalaking may compulsive sexual behavior disorder o sex addiction.  

Sa journey niya ng pagpapagaling at pagbabagong buhay, magtatagpo muli ang landas nila ng dating kaibigan na si Lucio (Yaser), na isa na ngayong taong grasa. At sa kanilang muling pagkikita, uusbong ang pag-ibig nila sa isa’t isa at magkakaroon ng komplikado at ‘di pangkaraniwang relasyon.

Ipakikita rin sa pelikula ang madilim, masalimuot, at masakit na katotohanang nararanasan ng mga taong nasa mental health facility.

Alamin kung totoo bang may tiyansa pa sa pagbabago at tunay na pagmamahal si Brenda. Panoorin ang Desperada sa VMX.