MATABIL
ni John Fontanilla
PINATAOB ng GMA 7’s Barangay Love Stories ang mga kasabayan nitong palabas noong Sabado ng hapon sa taas ng ratings at audience shares na nakuha nito, kaya naman masayang-masaya ang host nitong si Papa Dudut (Renzmark Jairuz Ricafrente sa totoong buhay) ng Barangay LSFM 97.1.
Nakakuha ang pilot episode ng Barangay Love Stories ng ratings na 3.9 habang ang mga kasabayan nitong shows ay nakakuha lamang ng 0.4 at 0.1, habang 65. 6 naman ang audience share.
Post ni Papa Dudut sa kanyang Facebook: “65.6% audience share! Grabe kayo! Hindi namin ’to magagawa kung wala kayo. From radio to digital and now nasa tv na ang forever!
“Maraming salamat sa panonood at pagsuporta. Tuloy-tuloy lang tayo sa pagkukuwento ng pag-ibig, buhay at pag-asa. 💜 at masasabi mong sana Sabado na ulet dahil may bago tayong Saturday Afternoon Habit!
“Kita-kits ulit next Saturday, 4PM sa GMA! – Papa Dudut “.
“At sa mga susunod na episodes ng Barangay Love Stories ay mas magaganda at ispiring stories ang mapapanood. Kaya katulad nga ng sabi ni Papa Dudut tutok na every saturday ng 4pm ng Sabado.”
