MA at PA
ni Rommel Placente
PUMAYAT na si Aga Muhlach. Lumutang na ulit ang angkin niyang kagwapuhan.
Inamin ng award-winning actor na may pagkakataong nahihiya na rin siya sa kanyang katawan before na mataba, na nakaaapekto na sa kanyang self-confidence.
Sabi ni Aga, “Kapag may offer talaga parang minsan nag-no-‘no’ na ako kasi nahihiya akong lumabas.
“It’s basic food, may work-out pa.
“October pa lang nag-start na ako, then December up to now walang patid ‘yun. M-W-F sa gym. I have an instructor who comes to the house,” aniya pa.
Bukod sa regular workout, sinabayan din ni Aga ng cardio at biking at talagang nawalan siya ng social life.
“So it’s really consistency. I stayed consistent with my diet, I stayed consistent with my workout, with my cardio, with my biking, and I stopped going out.
“Talagang nawalan ako ng social life. My social life was my bike, my gym, and my family,” saad pa ni Aga.
“I stopped talaga lahat mga invite sa akin ng dinner. Kung pupunta man ako, isang oras lang, kasi hindi ako pwede uminom, hindi rin pwede kumain. May baon lang ako palagi,” sey ng aktor.
Nilinaw naman ni Aga na kinakain pa rin niya ang mga paborito niyang food, pero naka-focus siya sa calorie counting.
“It’s normal food. It’s calorie counting lang, it’s calorie deficit. So it’s as simple as that. I can have rice, I can have ice cream, I can have this and that, basta bilang ako sa calories ko. But siyempre, bawas ka sa bad food. Mas natural, mas better,”esplika pa ni Aga.
“So nandoon lang ako with my calories, plus when you work out and exercise consistently, you lift consistently, you have extra calories sa deficit mo. So, mas nakakabawas ka.
“Instead na 500 a day lang, naging 1,000, so ang bilis ng pagbagsak ko,” aniya pa.
