Benedix Ramos, Omar Uddin, Angela Ken patuloy passion sa stage

Benedix Ramos Omar Uddin Angela Ken

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TEATRO ang naging daan sa mga batang performers tulad nina Benedix Ramos, Omar Uddin, at Angela Ken para mas lalong mahubog  ang kanilang talento sa entablado.

Para kay Omar, ang maging bahagi ng The Notebook: The Musical ang susi para mas pag-isipan pa ang mga role na gusto niyang kunin sa hinaharap. 

Nang tanungin tungkol sa kanyang dream roles at mga artistang nais makatrabaho, ibinahagi niyang gusto niyang subukang gampanan ang character ni Old Noah.

“Ngayong nasa ‘Notebook’ na ako, I would want to play middle Noah or older Noah, give me like 20-30 years,” ani Omar.

Para naman kay Benedix, importanteng bigyan ng halaga, maging open at present sa paghahanda para sa isang theater role.

“In order for you to prepare yourself, you have to be open talaga eh. You don’t really have to stick to what you have written in your notes, what you have rehearsed. It’s the surprise on stage that you allow in order for you to feel the ground, to feel the moment,” wika ni Benedix.

Dahil sa kapana-panabik na performances at timeless love story, patuloy na hinahangaan ng mga theatergoer ang The Notebook: the Musical na may kaunting show dates na lang ang natitira. Mapapanood sina Benedix at Omar kasama si Sheena Belarmino sa kanilang mga karakter na nagsimulang mapanood noong Setyembre 3 hanggang September 20, 2026 sa Samusung Performing Arts Theater, Circuit Makati.

Ang koneksiyon naman sa audience ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging meaningful kay Angela ang mag-perform sa stage. Para sa kanya, mahalaga na makita ang reaksiyon ng mga manonood ng real-time.

“That fulfills my heart kasi ‘yun po ‘yung purpose ng ginagawa ko is for them to know na they are not alone and at the same time we are here for a reason. Our voices are instruments for those people na hindi naririnig ‘yung boses nila,” pagbabahagi ni Angela.

Abangan ang first solo concert ni Angela sa October 18, 2026, 7:00 p.m., sa New Frontier Theater. Sa concert na ito, mas maipakikita ni Angela ang kanyang artistry bilang singer at performer.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang mga karanasan sa stage, mas ipinakikita nina Benedix, Omar, at Angela ang kanilang personal growth at meaningful connection sa kanilang audience.