RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI itinanggi pero wala ring inamin nang matanong si Shuvee Etrata tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Anthony Constantino.
Basta pareho sila na career ang priority ngayon.
Masaya si Shuvee na kapareha si Anthony sa From Vlog To Love na pareho nilang first time na pagbibidahan sa GMA Network Youtube Channel.
“We get to learn together. Sabay po naming natutunan ‘yung mga kailangan naming matutunan, and it’s really nice,” saad ni Shuvee.
May nadiskubre rin siya sa binata.
“Hindi siya mahirap kausapin. Once kinausap mo siya, parang he’s really emotionally intelligent.
“Upon doing this series, mas na-discover ko mas may ikaka-mature pa pala siya, kasi sobra na niyang mature sa paningin ko. Mas may ikaka-mature pa pala siya as a person.”
Napanood na sa mga serye ng GMA si Shuvee pero ito ang kanyang first starring role.
“This is my dream project: to do a rom-com with somebody I’m comfortable with.
“Sobra akong masaya na binigyan nila kami ng platform to actually test or showcase our talents.”
Magsisimulang mapanood ang digital series sa September 18, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. with Kaye Cadsawan bilang executive producer.
