SA TEMANG Bawat Isa Protektado, Bawat Bukas Segurado, ipinagdiwang ngSocial Security System (SSS) ang ika-69 anibersaryo sa buong bansa.
Nitong 11 Setyembre, nagdiwang ang isang dibisyon ng SSS sa Central Luzon sa City of San Jose del Monte (CSJDM) Convention Center.
Ayon kay Gloria Corazon Andrada, Vice President, ng SSS Luzon Central 2nd Division, “taos-puso po ang ating pasasalamat sa ating mga pensioners.”
Aniya, “Napakahalaga ng naging ambag nila noong sila ay malalakas pa. Sila ay naghulog sa SSS, kaya ngayon ay nagkaroon tayo ng magandang celebration. Ang Pension Day ay mayroong 19 Divisions, kaya 19 divisions ang nagdaos ng “Pensioners’ Day” sa buong bansa.”

Kabilang sa magandang balitang inihayag ni VP Andrada, ang “anniversary highlights and milestones” na puso’t diwa ng temang “Bawat Isa Protektado, Bawat Bukas Segurado.”
Sa loob nang halos pitong dekada patuloy ang ipinagkakaloob na proteksiyon sa mga manggagawa at empleyado na nasa pribadong sektor.
At ngayon ngang ika-69 anibersaryo ipinagkaloob ang ₱205.56 bilyong benefit payments mula Enero hanggang Hulyo 2026.
Ang Pension Reform Program na nagkakaloob ngdagdag sa taunang pensiyon, dagdag na 10% para sa retirement and disability pensioners; at para sa survivor pensioners ay taas na 5%.

Sa ilalim ng Digital Expansion: nakipag-ugnayan sa UnionDigital Bank upang mailunsad ang SSS Micro Loan Program (LoanLite) via mobile.
At Fund Portfolio: na nagpapanatili ng investment portfolio na ₱1.29 trilyon hanggang Hulyo 2026. [1] (https://www.sss.gov.ph/news-and-updates/sss-marks-69th-anniversary-with-stronger-member-protection-expanding-services/), [2] (https://www.sss.gov.ph/news-and-updates/), [3] (https://www.dailyguardian.com.ph/blog/sss-at-69-expands-pensions-loans-digital-services)
Ipinaalala ni VP Andrada sa mga pensioner, mayroon nang pensioner’s loan na ibinibigay sa mga nangangailangan nang sa ganoon hindi na sila pupunta sa mga 5/6 na pautang.
Ang SSS na mismo ang magpapautang sa mga pensioner at ito ay babayaran sa magaan na paraan at mayroon pang maiiwan sa kanilang mga pension na tatangapin buwan-buwan.
At sa ilalaim ng Pension Reform Program, nabigyan ng increase ang retirement benefits simula Setyembre 2025 hanggang Hunyo 2026
Hunyo pa lamang ay natatangap na nila ang increase ng kanilang pension. (MICKA BAUTISTA)
