BTS, Seventeen, Enhyphen performances mapapanood ng live sa Vision Festa sa Gateway

Vision Festa Gateway BTS Seventeen Enhyphen

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NA-ENJOY namin ng mga kasama kong media ang maranasan ang kinagigiliwan ngayon ng mga kabataan dito sa Vision Festa.

VR. Virtual Reality. Immersive. At ang mapapanood mo ay mga grupo ng Korean Superstars na kapag tumatapak sa ating bansa eh, talaga namang sold out ang mga show.

Dito, ipinapanood sa amin ang mga performance nila sa TMA o The Fact Music Awards. Ito ay mga never-before-seen videos and photos ng pitong grupo.

Kaya ang pakiramdam ay pinanonood mo sila up-close and live!

Nagsimula ito noong September 1, 2026 sa Level 3 ng Gateway Mall 2 (katabi ng Time Zone) sa Araneta City, sa Cubao, Quezon City. At mae-experience hanggang ika-31 ng Oktubre 2026.

At ang mga ticket naman ay mabibili sa TicketNet website.

Isa sa Asian stop ng  proyekto ang Pilipinas at nakaikot na sa mga bansang Malaysian(Kuala Lumpur), Japan (Tokyo), Thailand (Bangkok), at Indonesia (Jakarta).

Ang local concert promoter nito ay ang L-Squared Productions PH at 2026 Vision Festa: Dive Into The Stars ang paglalarawan nila rito. Dahil nga sa malapitang karanasan sa panonood sa mga grupo gamit ang mga  -D goggles.

Kaya hindi ka lang mapapa-ooh-lala sa Koreans na ito. Mapapasayaw ka, papalakpak. Titili. As if you’re in the concert itself.

Ang mga mapapanood lang naman to the grooves ay ang BTS, Seventeen, Tomorrow X Together, Enhyphen, at BoyNextDoor sa performances na ‘di pa nila nagawa.

Kaya nga parang  papasok tayo sa ibang dimensyon. At gaya ng sabi nila, “Your journey beyond the screen  begins here.”

Sa nasabing VR experience, kasama ka nila at tila ba nagpe-perform sila para lang sa ‘yo!

Sa pwesto na ‘yun sa Gateway Mall 2, masayang magkakasama-sama ang K-pop enthusiasts at maraming nakahatag na additional content for them. Pati na ang sari-saring merchandise on sale para sa kanilang souvenirs.

Get to experience it na with the whole fam.

Hindi lang mga bagets ha, halos lahat sila, pati mga tita at tito, lalo na si Lola na haling na sa K-Pop stars. So, time to experience it na rin.

Tara na! Screening time starts at 8:30 a.m. At kahit public holiday, may schedule!

Make it part of your mall experience. And enjoy the music of your favorite K-pop stars.

Naghihintay na ang VR headsets sa inyo!