Matteo Guidicelli Sarah Geronimo

MA at PA
ni Rommel Placente

BUNTIS na nga ba si Sarah Geronimo? Malapit na nga ba siyang maging isang  ina, at si Matteo Guidicelli ay magiging tatay na?

Ito ang naging usap-usapan sa social media matapos kumalat ang nakagugulat na pagbati ng isang netizen, na tinawag niyang soon-to-be daddy si Matteo.

Sa isang Facebook post na ngayon ay deleted na, ibinandera ng netizen ang kanilang recent photo ni Matteo matapos  umano silang magkasalubong sa isang coffee shop sa Quezon City.

Ikinuwento nito, matagal na niyang kaibigan ang aktor at ang pagkikita at tila nakakatuwang reaksiyon ni Matteo nang makita siya.

Deep in a meeting with a colleague, totally unaware someone familiar was right there until Gianmatteo Guidicelli walked up ang said,’ka-ila gyud ko ani (I know this person,” sabi ng FB user.

Truly caught me by surprise! So many sharedemories with Matt-from shoots, Airborne Proficiency Jumps and our days at ISAFP. Solid guy-hindi mayabang, sobrang friendly pa,” aniya pa.

Pero ang talagang umagaw ng pansin ng mga netizen ay ang kasunod na mensahe nito para sa aktor. “P.S. He is soon to be a daddy. Congratulations, bro!”

At ‘yun na! Buntis na nga kaya finally si Sarah?