NAGLIYAB sa huling yugto ang Gilas Pilipinas matapos humabol mula sa double-digit na pagkakaiwan para pataubin ang Iran, 68-56, sa 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers nitong Linggo sa punô ng SM Mall of Asia Arena.
Nanguna sa matinding ratsada sina Kai Sotto, Dwight Ramos at Juan Gomez de Liano, katuwang ang walang-pagod na depensa at determinasyon ng buong koponan.
Ikalawang sunod na panalo ito ng Gilas matapos nitong daigin ang Jordan,noong Biyernes.
Dahil dito, umangat sa 4-4 ang kartada ng Pilipinas matapos ang walong laro sa Pool E, at lalo nitong pinatibay ang kampanya para sa World Cup berth. (HNT)
