Thursday , June 4 2026

Kasparov para fide prexy

BIGLANG naalala ni former world champion GM Gary kasparov ang magagandang alala nito nang una niyang makita ang Pilipinas pagtapak ng mga paa niya sa Ninoy Aquino International Airport noong Martes.

Unang nakarating si super grandmaster Kasparov sa Pilipinas noong 1992 upang pangunahan ang Russian team sa pagkopo ng titulo sa naganap na 30th World Chess Olympiad.

Nagkakagulo noon sa Russia subalit hindi naging hadlang sa 50-anyos Kasparov upang masira ang kanilang konsentrasyon sa laro.

Kasama ni Kasparov na  dumating si Fide secretary general Ignatius Leong upang makipagkita kina National Chess Federation of the Philippines officials, president Prospero Pichay, at Asia’s first grandmaster Eugene Torre at mangampanya bilang presidente ng International Chess Federation.

Makakatunggali ni Kasparov si Russian Karsan Ilyumzhinov sa World Chess Federation (FIDE) presidential polls na gaganapin sa Agosto sa Tromso, Norway kasabay ng 41st World Chess Olympiad.

Naantig naman ang puso ni Kasparov sa sinapit ng mga Pinoy kay super typhoon Yolanda kaya naman nagbigay ito ng $10,000.

Samantala, naalala rin ni Kasparov nang una siyang maglaro dito sa Pilipinas, nagkaroon din ng kontrobersya sa ipinadalang players para sa Russian team.

Kasama noon sa team Russia si 2006-07 undisputed world champion Vladimir Kramnik.

Ayaw noon ng Russia na isali si Kramnik dahil hindi pa naibibigay sa kanya ang GM title subalit ipinaglaban ito ni Kasparov kaya nakasama ito bilang first reserve player.

Natuwa rin si Kasparov nang makita si Torre dahil apat na beses na rin silang nagharap sa tournament. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …