Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, ‘naunahan’ pa si jolo kay maya (Honeymoon sa Japan, kaabang-abang)

KASALUKUYAN kaming nanonood ng kasal nina Ser Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria) episode ng Be Careful with my Heart kahapon nang biglang may mag-text sa amin na katotong, ”Reggs, ‘pareho kami ng wedding gown ni Maya.”

Sinagot namin ng, ‘talaga, ibig sabihin, mahihiwalay din si Maya kay Sir Chief?’ Kasi ang katotong nag-text na pareho raw sila ng wedding gown ng aktres ay matagal ng hiwalay sa asawa, pero in speaking terms sila ng husband.

At naalala naman namin na sa nasabing Cathedral naman sa Taal, Batangas naman ikinasal ang dating mag-asawang Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren na may kanya-kanyang mahal na rin sa buhay ngayon.

Ibig sabihin Ateng Maricris, maghihiwalay din sina Ser Chief at Maya sa istorya ng Be Careful with my Heart?

At heto pa, naunahan na rin ni Ser Chief si Jolo Revilla na pakasalan si Maya at take note Ateng Maricris, ilang beses nag-kiss sina Richard at Jodi, huh.

Alam naman nating eksena lang iyon sa BCWMH pero nakatutuwang isipin na bagay din sina Richard at Jodi kung sakaling pareho silang single, ‘di ba Ateng Maricris? (Naman!!!-ED)

Excited na rin ang lahat kung ano-anong eksena naman ang ipakikita sa honeymoon trip ng dalawa sa Japan.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …