Thursday , June 4 2026

Prutas na Durian, tampok sa GRR-TNT

MARAMING mga turista ang dumarayo sa Davao City para sa magagandang tanawin doon, matikman ang pinakamatamis na suha, makabili ng mga telang habi sa seda at ang ‘di kabanguhan pero masarap na prutas na Durian.

Ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m., dadalhin kayo ng GMA News TV program na Gandang Ricky Reyes Todo Na ‘Toh (GRR TNT) sa malalawak na pataniman ng Durian. Ipakikita rin ang proseso mula pagtatanim, pangangalaga para taglayin nito ang “export quality”, pag-ani at paglalagay sa mga matitibay na kartong kahoy para ‘di mabugbog  sa biyahe ‘di lang sa buong Pilipinas kundi sa ibang bansa.

Sisilipin din natin ang mga Davaeno na gumagawa ng “by products” ng prutas na ito tulad ng candy, jam, chips, at yema.

Dalawang problemang pangkagandahan ang bibigyang-solusyon. Una’y ang “skin whitening” o pampaputi na masasaksihan sa mga cosmetic salon. Ikalawa’y ang pagnipis at pagkalugas ng buhok na ang idedemo ni Mader ay paglalagay ng “wig” o peluka na yari sa buhok ng tao o “haman hair.”

Itatampok din ang mga henyong Pinoy na “animators” at gumawa ng pangalan sa ibang bansa sa paglikha ng mga superheroes at cartoon characters na matutunghayan sa mga komiks at magasin at mapapanood sa pelikula at telebisyon.

Dahil nalalapit na ang Pasko’y marami ang ngayon pa lang ay naglalagay na ng mga dekorasyon sa loob at labas ng kani-kanilang bahay. Samahan natin si Mader RR sa pagbisita sa mga ito.  At siyempre, may tip din ang ating host-producer kung saan makabibili ng magaganda pero kaya ng bulsang palamuti.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision. Tutok lang dahil basta usapang pangkagandahan, pangkalusugan, pangkabuhayan, fashion, napapanahong sosyalan , at pangyayari sa ating kapaligiran … Mader Ricky knows best.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …