SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAKALULULA ang laki at napakagarbo ng pagdiriwang ng White Party Manila Pride Month na inorganisa ng Mentorque productions noong Sabado ng gabi, June 27 sa World Trade Center, Pasay City.
Dinagsa ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang White Party Manila gayundin ng mga naglalakihang artista at performer sa pangunguna ni Vice Ganda kaya naman talagang sulit-sulit ang mga kapatid na nagtungo roon kahit pa sabihing inabot ang Pride event ng madaling araw.
Napakagandang tingnan ng lahat ng dumalo sa Pride event na lahat ay nakaputi gayundin ng ayos ng lugar na pinalalamutian ng mga kulay puting dekorasyo.
Isa sa highlight ng selebrasyon ang pagdating ng Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda na agaw-eksena at talagang pasabog ang white OOTD nang rumampa on stage.
Bongga rin ang pag-turn-over ni Vice Ganda at ng Mentorque Productions ng P1-M donation sa LoveYourSelf PH Foundation na si Kaladkaren ang host that segment.
Umabot ng P700,000 ang nalikom na donasyon at pinansiyal na tulong ng Mentorque ni Bryan Diamante at nagdagdag ng P300,000 para mabuo ang P1-M.
Isang dekada pala nawala ang White Party Manila kaya tila nasabik ang mga members and ally ng LGBTQIA+ community sa ganoong klase ng event.
Ani Bryan, CEO ng Mentorque Inc., si Vice Ganda ang “perfect person” para mag-represent ng pagbabalik ng White Party Manila. “Having Vice as the face of this year’s comeback feels more meaningful, especially as we reignite the spirit of Pride through celebration, community, and purpose while delivering a Pride night to remember.”
Dumating din ang apat na mayor na ally ng komunidad. Binigyang-pugay sila bilang Outstanding Allies of the LGBTQIA+ Community dahil sa kanilang “progressive local policies.” Ang mga mayor na ito ay sina Joy Belmonte (QC), Francis Zamora (San Juan), Emi Calixto-Rubiano (Pasay), at Isko Moreno(Manila).
Nag-perform naman sa mahigit 5,000 na dumalo sa White Party Manila ang mga OPM artist na sina Maki, Gloc9, Marina Summers, Maxie Anderson, ang Ben&Ben at ang SexBomb Dancers sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan. Pinarangalan ang SexBomb bilang Gay Icon of the Year.
Ani Rochelle nang matanong kung ano ang feeling na itinuturing sila ngayong gay icon ng LGBTQIA+ community, “Sobrang grateful kami na napasana at na-invite kami rito. Nakaka-proud kasi sa haba ng panahon na sinasabi ng lahat na pinalaki sila ng SexBomb, ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong klaseng award.
“Kaya sobrang happy ang grateful kami, in behalf of the Sexbomb Girls nagpapasalamat kami sa recognition na ito.
“Sa dinami-dami ng puwedeng piliin kami pa ang binigyan ng award na ito kaya thank you so much,”wika pa ni Rochele.
As expected, isa sa talaga namang bonggang-bonggang production number at ikinasaya sa event ang sa SexBomb. Nakisayaw ang audience at hindi alintana na madaling araw na nang mga oras na iyon. Paano naman segue sa sayawan at kantahan ang lahat.
Marami ring celebrities ang nakiisa at sumuporta sa White Party Manila, ilan sa mga ito ang mag-asawang Ice at Liza Seguerra, Janella Salvador, Yayo Aguila, Martin del Rosario, Mark Bautista at marami pang iba.
Congratulations Mentorque sa napakagandang project na ito talaga namang napakaraming kapatid ang napasaya ninyo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com