Friday , June 26 2026
San Jose National High School Tacloban Gun Shooting

14-anyos shooter sa Tacloban dumalo sa flag ceremony, saka nagtago sa CR ng iskul

ISA sa mga suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban ay dumalo muna sa flag raising ceremony bago nagtago sa comfort room (CR) at isinagawa ang krimen kasama ang kanyang kasapakat.

Sa ulat ni PCol. Allen Rae Co, officer-in-charge ng PNP Public Information Office, dumating sa San Jose National High School sa Barangay 87, Tacloban City dakong 7:30 ng umaga ang 14-anyos na suspek na tinukoy sa alyas na Nash upang dumalo sa flag ceremony.

Sa pagtatapos ng seremonya, nagtago sa comfort room ng paaralan si Nash hanggang samahan siya ng kanyang 15-anyos na kasapakat, kinilalang si alyas Rod. Dakong 9:00 ng umaga nang lumabas ang dalawa at naglibot muna saka walang kaabog-abog na nagpaputok sa loob ng paaralan dakong 9:20 ng umaga.

Tatlo katao ang nasawi habang 20 iba pa ang nasugatan sa insidente bago naaresto ang dalawang suspek.

Dalawang silid-aralan ang pinaputukan ng mga suspek at may ilan pang sinubukang habulin. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung may partikular na target ang mga suspek o basta na lamang nagpaputok.

Nabatid sa imbestigasyon na si Nash ang nagpaputok ng maraming bala. Parehong nagpositibo sa gunpowder nitrates ang dalawang suspek batay sa isinagawang paraffin test.

Si alyas Rod ay mabilis na napigilan nina Police Corporal Melchor Homo at FO2 Ludwig Edrick Zosa dakong 9:30 ng umaga. Isang putok lamang umano ang kanyang naipaputok.

Dakong 11:15 ng umaga nang madakip si Nash sa tulong ng isang sibilyan. Narekober sa kanya ang isang bag na naglalaman ng Glock 17 pistol, foldable baton, bonnet, puting sweatshirt, vest, firearm holster at puting T-shirt.

Ayon kay Police Regional Office 8 Director PBGen. Jason Capoy, mahigit isang buwan nang pinaplano ng dalawang suspek ang pag-atake. Sinisiyasat din ng pulisya kung may naging impluwensiya ang larong GoreBox sa insidente.

Napag-alaman na natutuhan ng pangunahing suspek ang ilang kaalaman sa paghawak at paggamit ng baril, kabilang ang paglalagay at pagtatanggal ng magazine at pagre-reload.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na nakuha ni Nash ang ginamit na 9mm Glock 17 mula sa kanyang tiyahing pulis, habang ang .38 caliber revolver ng kanyang kasapakat ay nagmula sa isang security agency sa Cebu.

Iniimbestigahan ang pulis na tiyahin ni Nash upang matukoy kung paano napunta sa suspek ang kanyang service firearm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

CAFGU

Opisyal na pahayag ng hukbong katihan ng Pilipinas sa papel ng CAFGU

​NILINAW sa publiko at stakeholders ng Philippine Army (PA) na gamitin ang wasto o tamang …

QCPD Oplan Bisita Eskwela

QCPD Oplan Bisita Eskwela, pinalawig pa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

PINALAWIG pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipinaiiral nitong programang “Oplan Bisita Eskuwela” …

san juan city

Wattah Wattah Festival 2026 matagumpay na naipagdiwang

MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit …

human trafficking

Human trafficking vs ex-congressman ihahain ng NBI

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …