Thursday , June 25 2026
PNVF POC FIBV

PNVF sinuspinde ng POC kasunod ng parusa ng FIVB

SINUSPINDE ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa isinagawang Executive Board meeting nito nitong unang bahagi ng linggo, ayon kay POC president Abraham Tolentino noong Miyerkules.

Ayon kay Tolentino, awtomatikong ipinatupad ang suspensiyon bunsod ng naunang pagpapataw ng parusa ng international federation sa pambansang volleyball association ng bansa.

“Ang suspensiyon ay awtomatikong resulta ng pagsuspinde ng international federation sa kanilang national federation,” ani Tolentino, na nagsabing nagkaisang aprubahan ng board ang hakbang sa pagpupulong na ginanap noong Lunes sa Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque City.

Sinuspinde ng Fédération Internationale de Volleyball ang PNVF simula pa noong Mayo 29 alinsunod sa Article 13.1.1 ng Disciplinary Regulations nito habang iniimbestigahan ng independent FIVB Ethics Panel ang mga alegasyon laban sa organisasyon.

Nakabatay ang parusa sa seryosong isyu sa pamamahala at umano’y maraming paglabag ng pambansang volleyball federation.

Bago pa man ang aksiyon ng FIVB, itinigil na rin ng Philippine Sports Commission ang lahat ng pondong maaaring ilaan sa PNVF dahil sa mga usapin sa governance at hindi pagsunod sa mga patakaran sa pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa national sports associations.

Sa kabila ng suspensiyon, nagsagawa pa rin ang PNVF ng eleksiyon kung saan inalis bilang pangulo si Tonyboy Liao at pinalitan ng negosyante at sportsman na si Frank Lao kasama ang iba pang miyembro ng executive board dalawang linggo na ang nakalipas.

Gayunman, iginiit ni Tolentino na walang bisa ang naturang eleksiyon dahil umiiral pa ang suspensiyon ng FIVB sa bansa.

“Para sa POC, walang bisa ang kanilang huling eleksiyon dahil walang abiso sa POC at walang observer mula sa POC,” diin ni Tolentino.

Habang suspendido, hindi maaaring dumalo ang PNVF sa alinmang aktibidad ng POC kabilang ang General Assembly.

Inihayag din ni Tolentino na hinihintay pa ng POC ang magiging pasya ng Ad Hoc Committee na binuo ng FIVB upang mangasiwa sa volleyball habang suspendido ang pambansang federation.

Dumalo sa board meeting sina secretary-general Atty. Wharton R. Chan, second vice president Richard Gomez, treasurer Dr. Jose Raul Canlas, auditor Jose Donaldo Caringal, Athletes Commission representative Jessie Khing Lacuna, at board members Ferdinand Agustin, Leonora Escollante, Alexander Sulit at Alvin Aguilar. (POC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak copy

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak

BABALIK sa pinagmulan nito ang taunang Batang Pinoy matapos italaga ang Bacolod City bilang host …

POC Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

NAGING tampok ang mahigit 500 kabataan mula sa tatlong paaralan sa Tagaytay City sa pagdiriwang …

Philippine Sports Hall of Fame

7 alamat ng Philippine sports, pormal nang naitala sa Philippine Sports Hall of Fame

PORMAL na itinanghal sa ika-5 Philippine Sports Hall of Fame Enshrinement Ceremony ang pitong natatanging …

Sydney Sy Asia-Oceania Sambo Championships

World no. 1 Sydney Sy siguradong sasabak sa Asia-Oceania Sambo Championships

SIGURADO nang lalahok ang top local bet na si Sydney Sy sa 11th Asia-Oceania Sambo …

Pato Gregorio PSC Philippine Sports Hall of Fame

Gregorio: Mga kampeon ng nakaraan, inspirasyon ng susunod na henerasyon

MANILA – Binigyang-pugay ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang mga alamat ng …