Monday , June 22 2026
Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi nang pumasok siya at gawin ang debut movie na Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis noong 1997, pumirma sa Viva Films at GMA Network, para sa teen show na T.G.I.S., on top pa rin siya ng kanyang karerq.

At sa totoo lang napanatili ni Anne ang pagiging top artist hanggang ngayon, abala pa rin siya at marami pa ring proyekto. Kaya natanong si Anne sa Thanksgiving presscon nito noong June 18 na isinagawa sa Greyhound, Makati kung paano niya made-define ang career niya ngayon.

Gusto kong sabihin na mas relax. Pero hindi rin siya relax in terms of schedule. I think mayroon siyang feeling of, ‘you’re not here to compete, you’re not here to… kasi 29 years eh, parang medyo mas relax ka na, mas kampante ka na and I think one thing that I super learned as well is proper time management na hindi ko ginagawa dati.

“So ngayon is really about the work is like balance,” masayang wika ni Anne.

Ukol naman sa kung paano nababalanse ni Anne ang oras sa kanyang pamilya lalo’t may Dahlia na siya at trabaho here and abroad, sinabi ni Anne na, “right now bilang nasa school naman na siya, all the vacations revolve around school vacations. So, it’s easier to plan and to plot basta ang number one golden rule namin, basta school vacation no work.”

Excited namang inihayag ni Anne na balik-aksiyon siya sa pamamagitan ng BuyBust: The Undesirables, na 9 episodes series at ibang-iba sa pelikulang ginawa niya. Ang action thriller television series ay produced ng Studio Viva at Reality MM Studios na idinirehe ni Erik Matti. Sequel at spin-off ito ng 2018 Buybust at first collaboration ni direk Matti at ng Netflix

Malapit na itong mapanood at sobra-sobra ang excitement ng aktres dito.

With Direk Mik, I have not done a psycho thriller in a while. When the script fell onto my lap sabi ko ang tagal ko na hindi to nagawa. Game, let’s get out of my comfort zone,” pagbabahagi ni Anne.

Bukod pa rito, muli niyang makakasama ang direktor na si Ruel Bayani na nakasama niya noon sa 2011 box-office hit nilang No Other Woman.

Ang ganda ng conceptIt is a very Direk Ruel Bayani concept. It is not super camp, but may touch pa rin na kaunti.”

Mayroon din siyang reunion movie sa direktor ng The Lover One, na si direk Irene Villamor.

Pinag-uusapan pa ng dalawang kung anong genre ang kanilang haharapin.

Kaya expect more of Anne ngayong taon at sa mga susunod pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …

Film Academy of the Philippines Pinoy Oscars Pursuit

Film Academy of the Philippines binuksan Oscars Grants Program para sa mga Filipino Filmmaker

BINUKSAN ngayon ng Film Academy of the Philippines ang mga pagsusumite para sa grants program, ang Pinoy Oscars …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal Bongga Ka Day The Musical

Atasha pinaghandaan audition sa Bongga Ka, Day The Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DUMAAN sa matinding auditions at call backs si Atasha Muhlach bago napili bilang  Annie Batungbacal sa Viva …

Vince Rillon The Cheating Wife

Vince Rillon ‘di maiwan ang VMX 

I-FLEXni Jun Nardo NAGLILIWALIW muna ang VMX artist na si Vince Rillon at ang VMX movie na The Cheating Wife ang …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …