ISANG matagumpay at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang opisyal na Lifestyle Gaming Partner na sumusuporta sa kauna-unahang fun run partnership na itinatagugyod ang fitness, inclusivity at makabuluhang adbokasiya para sa komunidad. Ang pagdiriwang ay ginanap noong Hunyo 7, 2026 sa Central Park, Filinvest City, Alabang.
Inorganisa ng IRUNPH, isa sa mga nangungunang running event ng bansa at fitness experience organizers, ang takbong ito ay pinagsama-sama ang libo-libong mga kalahok na pinagbuklod ng shared passion sa health, active living, at social impact. Higit pa sa pagiging isang karera, ang kaganapang ito ay nagbigay liwanag sa mga adbokasiya na siyang tumutugon sa komunidad—nagbibigay suporta sa mga lokal na magsasaka at gumagawa ng kalugod-lugod na espasyo para sa mga mananakbo sa lahat ng antas ng pamumuhay, kasama rito ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Ang pagtakbo ngayong taon ay direktang pakikinabangan ng Bagsakan Farmers at Benguet Farmers na may lokal na pinagkukunang pananim na siyang ipinamahagi sa mga kalahok bilang bahagi ng kanilang karanasan sa nasabing programa. Kilala sa running community dahil sa kaabang-abang na race packages at pagiging mapagbigay sa mga giveaways, ang IRUNPH ay muling naghatid ng isang hindi malilimutang event sa pamamagitan ng kanilang kilalang “paldo” race experience na itinatampok ang mga sariwang pananim, sponsor items, at mga kapana-panabik na mga papremyo para sa mga kalahok.
Bilang pagsasabuhay sa temang All Out, All Proud, ang kaganapang ito ay nagdiwang ng pakakaiba-iba sa pamamagitan ng pagbubukas ng nakalaang race categories para sa mga kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ runners sa 10K, 5K, at 3K na distansiya. Ang mga podium finisher sa bawat kategorya ay ginawaran ng handcrafted na tropeo na gawa ng mga iskultor mula Paete, Laguna kasama ang espesyal na kahon para kilalanin ang kanilang naging tagumpay.
Bilang opisyal na Lifestyle Gaming Partner, itinaas ng NUSTAR Online ang kaganapan sa paghahatid ng mga nakae-engganyong on ground activations. Ang mga runner ay nagtungo sa Nustar Online booth matapos nilang tawirin ang finish line para subukan ang kanilang swerte sa interactive na larong Plinko na nananalo sila sa mga eksklusibong merchandise at papremyo. Ang mga kalahok ay nalibang sa mga complimentary souvenir photo sa pamamagitan ng libreng photo booth activation ng brand.
Nagpatuloy pa ang kapana-panabik sa grand raffle na ang masuwerteng kalahok ay nanalo ng appliances, bigas, mga eksklusibong papremyo galing sa Nustar Online tulad ng clip-on earbuds at smartwatches at bagong motorsiklo.
Ayon kay Alex Barcelo, Brand Manager ng Nustar Online, ang partnership ay sumasalamin sa pangako ng brand na lumikha ng makabuluhang karanasan higit pa sa entertainment.
“At Nustar Online, we believe that great communities are built around shared passions and meaningful connections. Partnering with IRUNPH allows us to support initiatives that promote wellness, celebrate inclusivity and uplift local communities. We are especially proud to stand behind advocacies that support our local farmers and provide a welcoming platform for LGBTQI+ individuals within the ever growing running community,” ani Barcelo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com