BINUKSAN ngayon ng Film Academy of the Philippines ang mga pagsusumite para sa grants program, ang Pinoy Oscars Pursuit, na sumusuporta sa mga pelikulang Filipino na nagnanais makilala sa Academy Awards (Oscars) at iba pang internasyonal na parangal. Kasabay nito ang pag-a-anunsyo para sa mga entry na opisyal na nominado ng bansa para sa Best International Feature Film, ang 99th Academy Awards.
Ang programa ay nagbibigay ng suporta sa mga nominado para sa Best International Feature, sa mga pelikulang Filipino na nagnanais makakuha ng mga nominasyon sa iba pang kategorya sa Oscars tulad ng documentary at short films, at sa mga pelikulang Filipino na lumalaban para sa mga parangal na pinangungunahan ng industriya kabilang ang Golden Globes at Independent Spirit Awards.
Ayon kay Director-General Paolo Villaluna na tinatrato ng programa ang paghahanap ng internasyonal na pagkilala bilang isang pambansang pamumuhunan na nakikipagtulungan sa mandato ng Academy na pahusayin ang propesyonalismo, pagbutihin ang imprastraktura ng industriya, at protektahan ang mga manggagawa sa pelikula.
“A win for the Philippines is a win for the industry as a whole,” ani Villaluna. “When a Filipino film earns a place on the world stage, the whole country gains,” dagdag pa.
“A nomination or shortlisting draws investment, raises the value of our workers’ labor, and brings the world’s attention to the Philippines as a place to tell stories and to make films.”
Sa mga filmmaker na naghahanap ng konsiderasyon bilang opisyal na entry ng bansa ay dapat magpadala bago ang Hulyo 31, 2026. Iaanunsyo ng Academy ang lokal na shortlist nito sa Agosto at papangalanan ang opisyal na entry ng Pilipinas sa Oscars sa unang bahagi ng Setyembre, sa pagsisimula ng Buwan ng Industriya ng Pelikulang Pilipino, bago ang pambansang deadline para isumite sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) sa katapusan ng Setyembre.
Ang mga isusumote ay susuriin ng isang pre-selection committee base sa artistikong merito, kultural na kaugnayan, at kapasidad na i-mount at mapanatili ang isang internasyonal na kampanya. Isang National Selection Committee ng pitong Filipino film practitioners, bawat isa ay inaprubahan ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, pagkatapos ay pipili ng opisyal na nominado sa bansa.
Ang programa ay sumusunod sa suporta ng Academy para sa kasalukuyang panahon ng kampanya, na ang pelikulang Magellan ang official Philippine entry for Best International Feature, kasama ang suporta para sa mga Filipino contender sa mga kategorya ng dokumentaryo, maikling pelikula, at orihinal na kanta.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com