I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGLILIWALIW muna ang VMX artist na si Vince Rillon at ang VMX movie na The Cheating Wife ang handog niya.
Pasyal na may kaunting trabaho ang ginawa ni Vince lalo sa Japan. Eh dahil mahal din niya ang craft bilang artista, binalikan niya ang VMX dahil malaki rin ang tulong nito sa kanya.
May kapansanan si Vince sa movie at ang dalawang VMX sexy stars na kasama niya ay sina Allison Ross at Cess Garcia. Mula ito sa direksiyon ni Nikko Baldoza.
Streaming na sa June 26 ang The Cheating Wife habang ang isa pang VMX movie na aabangan ay ang Siping nina Shannon Sizon, Cheena Dizon, Juan Paolo Calma, at Chad Solano.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com