I-FLEX
ni Jun Nardo
DUMAAN sa matinding auditions at call backs si Atasha Muhlach bago napili bilang Annie Batungbacal sa Viva Live musical na Bongga Ka, Day The Musical.
Nang malaman na magkakaroon ng audition para sa musical, inipon niya ang kanyang workshop teachers sa acting, singing, at dancing!
Eh iisa ang choice ng namahala sa auditons, na si Atasha ang bagong Annie Batungbacal at matutunghayan na ito sa September sa Newport World Resorts in association with Viva Communications and Philippine Star.
Hindi na bago ang stage kay Atasha dahil sa edad 9, nagkaroon siya ng stage debut sa The Sound of Music sa Newport Hotel.
Ngayon ay magbabalik si Atasha sa stage, na roon ginawa ang The Sound of Music, but this time, makakasama niya ang mga actor na sina KD Estrada, Sam Comcepcion, Anthony Rosaldo, at Jeff Moses.
Tampok sa musical ang timeless OPM hits ng grupong Hotdog.
Abangan ito ngayong September 26 at 24 nights mapapanood si Atasha bilang si Annie Batungbacal!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com