MATABIL
ni John Fontanilla
ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the Year 2026ang Businesswoman and Philanthropist, Ma. Cecilia Tria Bravo.
Present ang pamilya at kaibigan ni Ms. Cecille sa gabi ng parangal sa pangunguna ng kanyang mga anak na sina Miguel at Matthew Bravo.
Kasama rin ang kanyang butihing ina na si Mamita Hazel Tria at mga kaibigan na sina Theng Corbe, Raoul Barbosa, Raymund Saul, Benjamin Montengro, Klinton Start, Sephy Ftancisco atbp..
Ang pagbibigay parangal para sa mga outstanding mothers sa bansa ay naganap last June 14, 2026 sa VS Hotel Convention Center QC.
Ang Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the Year 2026 ay hatid ng Woman of the World Org. in collaboration with Megastar Philippines Founder & Organizer Ovette Ricalde.
Ilan pa sa pinarangalan sina Leni Panagan, Chona Chuy Darm Albert, Emily Sy Jennifer Mindanao Cruz aka Ina Alegre, Jeanette Jean Canlapan (ina ni Patricia Javier) atbp..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com