MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th birthday niya.
Ang sasakyan ay isang brand new Nissan Patrol na nagkakahalagi ng P5-M.
Post ng dalaga sa kanyang Instagram, “I’ve always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart, and trust God’s timing, beautiful things will eventually find their way to you.”
Dagdag pa nito, “A little early for my birthday, but here’s a gift to myself,”
Ayon nga sa aktres, ang sasakyan ay regalo niya sa sarili at katas ng kanyang pagtatrabaho.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com