Wednesday , June 17 2026
Debbie Lopez

Debbie Lopez parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards for Music 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan si Debbie Lopez sa Le Prive, isang cinema themed concept cafe sa Baguio City.

Kasama niyang nag-celebrate ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

“I celebrated my birthday at La Prive, a private cinema & karaoke here in Baguio.

“We watched horror movies, had a great time, and of course, hindi mawawala ang bonding and karaoke with family and friends. It was simple but really memorable,” ani Debbie.

Wish ni Debbie ang  malusog na pangangatawan, happiness, at mas gumanda pa  ang  singing career ngayong taon at sa mga susunod pang taon.

Isang regalo para sa kanyang kaarawan ang nominasyon sa 17th PMPC Star Awards for Music sa kategoryang New Female Aritist of The Year para sa kanyang awiting Higugmaon Ka under KB Records.

“Being nominated at the Star Awards is such an honor and I’m truly grateful.

“Isang napakagandang regalo na po ito sa aking kaarawan. If mananalo po ako, isang napakalaking bonus na ‘yun.

“’Yung nominasyon pa lang na nakuha ko, winner na ako, dahil masarap sa pakiramdam ‘yung mapansin ang ginawa mong trabaho, sobrang nakakataba ng puso.”

Dagdag pa nito, “Nakaka-overwhelm po, pero sobrang fulfilling din because it reminds me that hard work pays off. Thank you sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa akin.”

Bukod pa sa naganap niya birthday celebration ay may balak pa itong magkaroon ng charity event sa Cebu City.

“I also have plans to do a belated birthday charity event in Cebu City, which I’m really looking forward to.

“Because I want to share my blessings and make the celebration more meaningful,” pagtatapo ni Debbie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …

Reina Castillo

Reina Castillo, sumabak bilang sexy content creator

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUMUSUBOK ngayon si Reina Castillo para maging isang full-time  content creator. Ayon sa …