MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMING netizens ang naantig ang puso sa latest post ng director na si Fifth Solomon kaugnay sa pagbubuntis at paglipat sa kanyang bagong bahay ng kanyang besftriend na si Alex Gonzaga.
Mula sa PBB House na una silang naging close hanggang sa makalabas sila ng Bahay ni Kuya ay napanatili nila ang kanilang friendship.
Post nga ni Fifth sa kanyang Facebook account, “My heart is so full. Thank You, Lord, for answered prayers and overflowing blessings. Seeing my sizzie prepare for motherhood while moving into her beautiful new home is such a special reminder that God’s timing is always perfect. Alex Gonzaga. “
Kaya naman through thick and thin, sa saya at sa bawat problema ng bawat isa ay magkadamay sina Fith at Alex.
Isang pagkakaibigang dapat pamarisan, isang magandang halimbawa na true friend exist.
Ilan nga sa naging mensahe ng netizens sa post ni Fifth.
“Na miss ko tong duo na ito, san may new funny video sila”
“I’ m so happy for you Madam Alex”
“Miss ko na kayo makita together”
“Love you both”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com