Thursday , June 18 2026
Alyssa Solomon

Solomon, sentro ng agawan sa PVL Draft Lottery

MAS mataas kaysa dati ang nakataya para sa bottom four teams ng Premier Volleyball League (PVL). Ngayong Lunes ng gabi, isang ping-pong ball lamang ang maaaring magbago sa direksiyon ng Philippine volleyball sa taunang PVL Draft Lottery na gaganapin sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City — isang mahalagang hakbang na inaasahang magpapasimula sa matinding agawan para sa serbisyo ng international standout na si Alyssa Solomon.

Ipapalabas nang live ang lottery sa One Sports program na The Starting Lineup alas-6:30 ng gabi, kung saan pagtitibayin ang pagkakasunod-sunod ng unang apat na picks para sa inaabangang PVL Rookie Draft sa Hunyo 3 sa Novotel Manila Araneta City.

Bagama’t apat na koponan ang naghahanda para sa gabing maaaring magtakda ng kanilang kinabukasan, iisa lamang ang sentro ng atensyon ng liga — si Solomon. Ang 6-foot-1 opposite hitter mula sa National University, na bagong balik mula sa paglalaro sa Japan SV.League powerhouse na Osaka Marvelous at bahagi ng makasaysayang silver-medal finish ng Alas Pilipinas, ay pormal nang nagdeklara para sa draft bago ang deadline noong Biyernes.

Dahil sa kanyang pambihirang kombinasyon ng tangkad, championship experience at internasyonal na exposure, naging sentro siya ng tinaguriang “sweepstakes” sa draft.

Sa kasalukuyan, hawak ng Capital1 Solar Spikers ang pinakamataas na tsansa para makuha ang No. 1 pick na may 40 porsiyentong posibilidad. Kasunod nito ang Galeries Tower Highrisers na may 30 porsiyento, habang tig-20 at 10 porsiyento naman ang tsansa ng ZUS Coffee Thunderbelles at Choco Mucho Flying Titans.

Gayunman, napatunayan na sa maikling kasaysayan ng liga na hindi garantiya ang mataas na posibilidad. Noong nakaraang taon, hawak ng Nxled Chameleons ang pinakamataas na tsansa ngunit bumagsak hanggang ikaapat na overall pick, dahilan upang makuha ng Capital1 ang top selection.

Kung muling papalarin ang Capital1, mabubuo ang isang inaabangang reunion nina Solomon at dating NU co-MVP na si Bella Belen. Maaari rin nitong tuluyang itaas ang koponan bilang isa sa pinakamalalakas na title contenders ng liga.

Lalong lumakas ang Capital1 matapos makinabang sa pansamantalang pagliban ng Cignal HD Spikers, kung saan nakuha nito sina power hitters na sina Vanie Gandler at Erika Santos. Kapag nadagdag pa si Solomon sa kanilang matibay na roster kasama sina Belen, Gandler at Santos, agad itong maituturing na koponang dapat bantayan.

Ngunit kung mapupunta naman sa Galeries Tower ang unang pick, maaaring maging franchise-altering player si Solomon para sa koponang naghahanap ng bagong mukha ng kanilang kampanya.

Bukod kay Solomon, malalim din ang rookie pool ngayong taon. Kabilang sa mga inaasahang manguna sa draft class sina four-time UAAP Best Middle Blocker na si Niña Ytang, two-time UAAP Best Libero na si Detdet Pepito, at playmaker na si Camille Lamina.

Pamumunuan ni PVL commissioner Sherwin Malonzo ang lottery kasama ang kinatawan mula sa Games and Amusements Board.

Bago ang mismong lottery, ilalabas muna ng PVL ang opisyal na listahan ng mga aprubadong aplikante na lalahok sa mandatory Rookie Draft Combine sa Mayo 28 hanggang 29 sa Gameville Ballpark sa Mandaluyong City. May hanggang Hunyo 1 pa ang mga aplikante upang bawiin ang kanilang pangalan mula sa draft pool.

Suportado ang 2026 PVL Rookie Draft ng Buffalo’s Wings and Things, Ibis Styles Manila, Novotel Manila Araneta City, at Gameville Ballpark.

Sa pagtatapos ng gabi, malinaw na ang mga estratehiya, pirmado na ang mga aplikasyon, at apat na prangkisa na lamang ang makakaasa sa suwerte upang makuha ang susi sa posibleng “Solomon era” ng PVL.    (PVL/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST Ilocos Region Open Gov Week 2026

DOST Ilocos Region Recognized as Valued Partner in Advancing Open Governance

The Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) led by Regional Director …

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB), in partnership with the Department …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …