Friday , June 12 2026
Brgy Beckel La Trinidad Road

2 Cordillera DPWH officials sinibak sa pagkahulog sa bangin ng siklista

SINIBAK sa puwesto ang dalawang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Cordillera Region sa pagkamatay ng isang siklista sa Benguet.

Nabatid na pinalitan ni DPWH Secretary Vince Dizon sina District Engineer Isagani Cayme at Engineer Marjory Banao dahil sa pagkabigong maglagay nang sapat na road safety signages at traffic control devices, gaya ng concrete barriers, sa abandonado at gumuhong bahagi ng kalsada sa Barangay Beckel sa La Trinidad.

Posibleng ang kawalan ng warning signs at concrete barrier ang itinuturong rason kung kaya namatay ang isang 13-anyos biktima nang mahulog sa bangin.

Nagbabala si Dizon sa mga DPWH contractors na hindi tumatalima sa safety requirements sa panahon ng konstruksiyon na sila’y mahaharap sa mga kahihinatnan ng kanilang kawalan o iresponsableng mga aksiyon.

“Secretary Dizon warned that the agency’s contractors who will not enforce strict safety requirements during an ongoing construction will automatically face cancellation of contracts, blacklisting, and criminal cases,” bahagi ng pahayag ng DPWH.

Iniulat na ang gumuhong bahagi ng naturang kalsada sa Barangay Beckel ay hindi pa rin naayos simula nang mapinsala ng bagyo noong 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

PSC Pato Gregorio Ateneo Student Athletes

PSC, sports stakeholders nagkaisa sa mga reporma kasunod ng trahedya sa Ateneo student-athletes

PINASASALAMATAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education …

Supreme Court 125th Anniversary NHCP

SC Unveils Historical Marker, Plaque for 125th Anniversary

MANILA, Philippines — The Supreme Court of the Philippines officially unveiled a historical marker from …

Nartatez PNP

Higit pa sa pagpapatupad ng batas: Pananagutan, serbisyo, at resulta sa ilalim ng PNP

ANG tiwala ng publiko ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga islogan. Unti-unti itong pinaghihirapan …

National Confederation of Labor NCL Pingkian

Politika, midya, at mga suliraning sosyal ng mga ordinaryong mamamayan

ni TEDDY BRUL DESMAYADO nang talaga ang publiko sa mga balitang nangingibabaw sa mga online …