Friday , June 12 2026

Sa pila ng P20/kilong bigas at DSWD cash assistance  
73-ANYOS LOLO INARARO NG PICKUP TRUCK SA PILA, 55-ANYOS INA BUMAGSAK HABANG NAGHIHINTAY PAREHONG NAMATAY

052126 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

NAMATAY habang naghihintayang dalawa katao, isang 73-anyos lolo na nakapila sa P20/kilo ng bigas ng Department of Agriculture (DA), at isang 55-anyos ginang sa cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kapwa umaasang matamo ang ‘ayuda’ ng pamahalaan sa gitna ng kahirapan na nararanasan ng kani-kanilang pamilya.

Ang biktimang 73-anyos lolo ay namatay matapos ararohin ng isang pickup truck ang pila ng mga nais makabili ng bigas na ₱20 kada kilo sa harap ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Visayas Avenue, Quezon City nitong Miyerkoles ng adaling-araw.

Ayon sa report, nangyari ang insidente dakong 3:45 ng madaling-araw sa pedestrian lane malapit sa DA, habang naghihintay ang mga biktima sa bangketa para sa pagbubukas ng tanggapan ng BAI kung saan ibinebenta ang subsidized rice sa ilalim ng food program ng gobyerno.

Nabatid na sinisimulan ang pagbebenta ng P20 kilong bigas dakong 6:00 ng umaga sa nasabing ahensiya ng pamahalaan.

Nagulat ang mga nakapila nang biglang umakyat sa bangketa ang itim na pickup truck mula sa Elliptical Road at dere-deretsong sinalpok ang pila ng mga naghihintay para makabili ng murang bigas.

Dead on the spot ang senior citizen habang agad isinugod sa ospital ang isa pang biktima na napinsala ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang nagpapagamot.

Ayon sa ilang saksi, nagtakbuhan din ang ibang nakapila para makaiwas sa sasakyan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng QCPD Traffic Sector 6 ang driver ng pickup truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

SAMANTALA, sa insidenteng naganap nitong Martes ng umaga, 19 Mayo, namatay din ang isang 55-anyos ina nang bumagsak sa semento na una ang noo habang nakapila sa cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quezon City Hall.

Kinilala ang biktima bilang alyas Aling Marlene, 55, may asawa at mga anak, residente sa Goding St., Brgy. Sauyo, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 7:55 ng umaga nitong Martes, 19 Mayo, nang maganap ang insidente sa Risen Garden sa loob ng Quezon City Hall Compound, sa Brgy. Central, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg. Jordan Barbado, nagpunta sa city hall ang biktima upang kunin ang cash assistance sa DSWD at habang nasa pila, kasama ang iba pang claimant ay biglang bumagsak sa semento.

Isinugod ng mga nagrespondeng opisyal mula sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) si Aling Marlene, sa East Avenue Medical Center, ngunit idineklarang dead on arrival dakong 8:30 ng umaga ni Dr. Earl Edson Dumago.

Huling nakita ng anak na si Jane ang ina dakong 7:00 ng umaga noong Martes din  at sinabing pupunta siya sa Quezon City Hall para kunin ang cash assistance mula sa DSWD.

Nabatid na noong 2021, isinugod sa Quezon City General Hospital ang biktima dahil sa hypertension at paglaki ng puso.

Sa cursory examination, napag-alaman na nag-iwan ng sugat sa noo ng biktima nang bumagsak siya sa semento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

PSC Pato Gregorio Ateneo Student Athletes

PSC, sports stakeholders nagkaisa sa mga reporma kasunod ng trahedya sa Ateneo student-athletes

PINASASALAMATAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education …

Supreme Court 125th Anniversary NHCP

SC Unveils Historical Marker, Plaque for 125th Anniversary

MANILA, Philippines — The Supreme Court of the Philippines officially unveiled a historical marker from …

Nartatez PNP

Higit pa sa pagpapatupad ng batas: Pananagutan, serbisyo, at resulta sa ilalim ng PNP

ANG tiwala ng publiko ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga islogan. Unti-unti itong pinaghihirapan …

National Confederation of Labor NCL Pingkian

Politika, midya, at mga suliraning sosyal ng mga ordinaryong mamamayan

ni TEDDY BRUL DESMAYADO nang talaga ang publiko sa mga balitang nangingibabaw sa mga online …