Thursday , May 9 2024

Unique combination of talents

Unique at naiiba ang Call Center Girl ng Star Cinema at Skylight films na ipalalabas na on November 27 in cinemas all over the country. Headliner dito si Pokwang at kasama niya ang mahuhusay na young talents ng ating panahon tulad nina Enchong Dee, (who’s one of the busiest actors of this generation), Ejay falcon, Aaron Villaflor at ang pagkaganda-gandang si Jessy Mendiola na talaga naman agaw-eksena ang peaches and cream complexion at eskalerang pagmumukha. Anyway, all praises sa unique acting talent ni Pokie ang mga co-stars niya sa movie na ‘to na dahil wala raw kapaguran sa pag-arte ang It Girl ng milenyo at lahat ay kayang papelan. Mapa-drama o comedy ay carry niya kaya enjoy ang lahat ng kanyang nakaeeksena. Pero natawa ang mga co-actors niya nang kunan ang romantic scenes nilang dalawa ni Jestoni Alarcon, ang ama ni Jessy M. sa movie na talaga raw namang scandalous at agaw-eksena ang crotch na patay palang ay ‘ulam’ na so to speak. Hahahahahahahahahahaha! Imagine, typhoon signal number 2 nang kunan ang kanilang maromansang eksena at wala na raw sa mood mag-shoot si Pokie pero nang malamang ang love scene nila ni Jestoni ang kukunan, biglang nawala ang pagod, nagpabango at nag-mouthwash. Hahahahahahahahahahaha! Kaya go na sa mga sinehan para makita n’yo ang mga nakaaaning na eksena ni Pokie na talaga namang magpapawala sa inyong pagod. Promise!

WALANG GALANG AT RESPETO SA MGA MAGULANG!

Tahimik lang si Claudine Barretto sa mga bukeke ni Gretta Barretta but when it comes to their parents, she momentarily would lose her composure and berate her delusional sister. Mereseng pala-palaging sinasabi ng kanyang nakatatandang kapatid na dapat daw ay nasa basement siya, ang sagot na lang ni Clau ay si Gretta B. daw siguro ang dapat doon dahil hindi naman daw siya ang na-diagnose supposedly with histrionic personality disorder. Hahahahahahahahahahahahaha! How so very amusing! Anyway, most of her ardent fans are waiting with bated breath on her comeback movie with Star Cinema. Okay naman pala kina Maam Malou Santos si Clau provided na mag-slim down muna siya prior to her doing a movie with them. Double time na kasi ang pagpapapayat Ms. Claudine. Hahahahahahahahaha! ‘Yun lang naman pala ang hadlang sa i-yong pagbabalik sa Star Cinema. Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampolo- [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

Pete Ampoloquio, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Jessa Zaragoza Jayda

Jessa sa sinoplang basher: maglalaba habang naka-gown

I-FLEXni Jun Nardo PATOLA rin si Jessa Zaragosa sa isang netizen-basher niya sa nakaraang post na naghuhugas …

Blind Item, Male Celebrity

Male starlet ginawang babae ni Japanese friend, isang linggong ‘di makaupo 

ni Ed de Leon NAAWA naman kami sa isang male starlet. Kailangang-kailangan niya ng pera at nasabi …

Francine Diaz Orange and Lemons

Pagpapasingit kay Francine maling-mali 

HATAWANni Ed de Leon MABILIS ang damage control na ginawa ng ABS-CBN sa naging kontrobersiya ni Francine Diaz laban …

Ricardo Cepeda

Ricardo posibleng sa Cagayan ilipat, P3-M pangpiyansa kailangan 

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin sa sinabi ng Bucor director general Usec Gregorio …

Ayah Alfonso

Ayah Alfonso type maging kontrabida, palaban sa pagpapa-sexy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PALABAN si Ayah Alfonso sa mga pagsubok ng buhay at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *