OPISYAL nang sinimulan ng Puregold ang serye ng Hakot Relay 2026 sa Iloilo, na naghatid ng masiglang pambungad kasabay ng paghahandog ng praktikal na suporta sa mga komunidad sa Visayas matapos ang matagumpay na paglulunsad noong 2025.
Idinaos noong Abril 26 sa Sunset Boulevard, binigyang-buhay ng Puregold ang Hakot Relay Iloilo, sa pinagsamang kakaibang karanasan sa pagtakbo, at mga pagtatanghal mula sa mga paboritong talento ng hip-hop na sina Skusta Clee at Flow G. Bilang una sa tatlong nationwide stops ng Hakot Relay, hudyat ang Iloilo leg sa mas pinalawak na Hakot Relay ngayong 2026.
Dumayo ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, kabilang ang Bacolod, Cebu, Antique, at iba pang lugar sa Panay, upang makilahok sa mga aktibidad. Para sa marami, higit pa sa simpleng pakikilahok ang kanilang karanasan, dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makakuha ng mahahalagang aytem mula sa groseri, sa panahong patuloy na nakaaapekto sa badyet ng mga pamilya ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.
Ibinahagi ni Vincent Co, President ng Puregold Price Club Inc., na sinasalamin ng inisyatibong ito ang patuloy na layunin ng kompanya na makalikha ng mga programang nakasentro sa komunidad na may tunay na pakinabang para sa mga pamilyang Filipino.
“Layunin naming nagbubuklod sa mga tao habang naghahatid ng tunay na halaga sa aming mga komunidad—isang bagay na sumasalamin sa pinaninindigan ng Puregold. Ang Hakot Relay ay isa sa mga paraan para makaugnayan namin ang mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng karanasang maaari nilang ma-enjoy at maiuwi, lalo na sa panahong mas mahalaga ang mga pangunahing pangangailangan. Inaasahan naming maihahatid pa ito sa mas maraming lugar at mas marami pang mamimili,” aniya.
Kaiba sa karaniwang format ng mga karera, mas malalim ang kahulugan ng Hakot Relay sa kasalukuyang panahon, kung kailan mas nagiging hamon para sa maraming Filipino ang pang-araw-araw na gastusin dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo at iba pang kawalang-katiyakan. Sa ganitong konteksto, nagsisilbi itong napapanahong tugon sa pangangailangan ng mga pamilya sa buong bansa. Sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga tao sa isang sama-samang aktibidad habang binibigyan sila ng pagkakataong makapag-uwi ng mahahalagang gamit, ipinakikita ng inisyatiba ang diwa ng bayanihan at kongkretong suporta.
“Ikinagagalak naming maipakilala ang Hakot Relay sa mas maraming rehiyon ngayong taon, simula sa Visayas. Paraan namin ito upang magpasalamat sa pamamagitan ng paglikha ng karanasang maaaring pagsaluhan ng lahat, at nakatutulong sa simple ngunit makabuluhang paraan. Tanda ng katuparan ng layunin ng Puregold ang positibong pagtanggap dito sa Iloilo ng yugtong ito,” pagbabahagi ni Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad.
Ipinakita rin ng Iloilo leg ang patuloy na kakayahan ng Puregold sa pagdidisenyo ng mga karanasang on-ground, o malapit sa masa, kasunod ng tagumpay ng unang Hakot Relay noong 2025. Maayos na isinagawa ang race waves, loot stations, at iba’t ibang on-ground activations upang matiyak na lubos na mararanasan ng mga kalahok ang aktibidad at ang mas malalim nitong layunin.
Tumawid sa finish line ang mga kalahok na may dalang finisher’s medals, grocery bags, at eksklusibong event merchandise, habang may ilang race waves ding nakatanggap ng mga sorpresang aytem sa kahabaan ng ruta. Higit pa sa karaniwang event giveaways, nagsilbing kapaki-pakinabang na dagdag-suporta ang mga take-home items na maaari nilang magamit para sa pangangailangan ng kanilang mga tahanan sa mga susunod na buwan.
Habang nagpapatuloy ang seryeng ito, lalo pang pinagtitibay ng Puregold ang layuning tumugon sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon. Sa mga susunod na yugto sa South Luzon at Metro Manila, mas marami pang komunidad ang maaabot ng Puregold Hakot Relay 2026, na naghahatid ng panalong karanasang nag-uugnay sa mga tao habang nagbibigay ng makabuluhang kontribusyon sa pang-araw-araw na pagharap sa mga hamon ng mga pamilyang Filipino. (MValdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com