Thursday , June 4 2026
Lala Sotto MTRCB

MTRCB lusot sa ribyu ng DBM; tumanggap ng ‘Very Satisfactory’ na marka

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKATANGGAP ng Very Satisfactory rating para sa 2025 ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Iniulat din ng ahensya na mahigit 33,000 materyales ang dumaan sa masusing ribyu sa unang kwarter ng 2026.

Ayon sa MTRCB, nakakuha ito ng kabuuang performance score na 4.58 dahil sa mahusay na pamamahala ng pondo at resources, gayundin sa maagap na pagsusumite ng mga kinakailangang ulat.

The Agency’s financial accomplishments reflect a noteworthy high utilization rate for both obligations and disbursements, indicating effective management of resources,” sabi sa sulat ni DBM Acting Secretary Roland Toledo.

Sinabi ni Chairperson at CEO Lala Sotto na ipinakikita ng resulta ang patuloy na pagtupad ng ahensya sa mandato nitong protektahan ang manonood habang sinusuportahan ang creative sector.

Ang ‘Very Satisfactory’ rating mula sa DBM ay patunay ng aming commitment sa transparency at excellence sa public service,” ani Sotto. “Habang patuloy naming nirerepaso ang libo-libong materyales na may 100 porsiyentong accomplishment rate sa loob ng itinakdang sampung araw, nananatiling prioridad namin ang pagtiyak na ang content ay naaangkop sa edad ng pamilyang Filipino.”

Sinabi rin ng ahensya na nalampasan nito ang revenue target para sa 2025 ng 128.01 porsiyento matapos makalikom ng P122.89-M. Iniuugnay ito sa pagdami ng registered entities at pagtaas ng production activity.

Iniulat naman ng Monitoring and Inspection Unit ng ahensya ang 99.90 porsiyentong compliance rate ng mga regulated establishments, kabilang ang mga sinehan at cable operators, sa pamamagitan ng araw-araw na inspeksiyon.

Ayon pa sa ahensya, tumaas din ang public engagement matapos umakyat ng 19.82 porsiyento ang bilang ng reports at feedback mula sa publiko, malayo sa 5 porsiyentong target. Lumago rin ng 17.45 porsiyento ang partisipasyon sa mga seminar at information campaign ng Matalino at Responsableng Panonood, kabilang ang 56 na aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula Enero hanggang Marso 2026, nakapagrebyu at nakapag-classify ang ahensya ng 33,516 materyales, kabilang ang 30,491 television programs, 150 pelikula, 2,046 television plugs, 437 movie trailers para sa sinehan at telebisyon, at 392 non-video publicity materials. 

Nagpapasalamat kami sa patuloy na pagtaas ng tiwala ng publiko,” ani Sotto. “Sa pagpapatuloy ng 2026, mananatili kaming nakatuon sa Responsableng Panonood campaign upang itaguyod ang kultura ng wastong media consumption at self-regulation.”

Patuloy lang ang ahensya sa pagmamalasakit sa  sambayanan sa pagbabantay sa #ResponsablengPanonood ng bawat tahanan. Lalo na sa kabataan. 

Sa mga sinehan naman, kilatis na kilatis ang Linggguhang Pribyuhan ang mga pelikulang isinasalang sa mga sinehan.

Hindi matatawaran ang kasipagan ng Chairman at CEO ng MTRCB na si Lala sa araw-araw na paniniguro na nasusunod ang batas sa sinehan maging sa tahanan.

Ang ilang Highlight mula  MTRCB ay agad na naibabahagi sa kanilang social media accounts sa pahina nito.

Ang mga binibigyan ng halaga ay ang Agency Accomplishment Report, sa malakas na institutional performance in financial efficiency, compliance, and revenue generation ng ahensya.

Nag-ratify din ng personnel appointments at tinanggap na updates on recent 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗼𝗻𝗼𝗼𝗱initiatives in Bacolod and Iloilo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …