Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

Kilabot na kawatan sa Bulacan nalambat sa Nueva Ecija

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang No. 7 most wanted person (municipal level) ng San Rafael, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Baluarte, Gapan City, Nueva Ecija kamakalawa.

Ayon sa ulat ni PLt. Colonel Protom E. Guevarra, hepe ng San Rafel MPS, kinilala ang akusado na isang 46-anyos, residente sa Brgy. Diliman I, San Rafael, Bulacan.

Dakong 8:45 ng umaga nang madakip ng mga operatiba ng San Rafael Municipal Police Station katuwang ang Regional Special Operation Group 3 at Minalin MPS ng Pampanga Police Provincial Office ang suspek.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Qualified Theft na may 27 bilang ng kaso, inisyu ni Judge Elenita N.E. Macatangay-Alviar, Presiding Judge ng RTC Branch 121, Meycauayan, Bulacan noong 6 Pebrero 2026.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng San Rafael MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy ang pinaigting na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni PColonel Jay B. Baybayan, Oficer-In-Charge, laban sa mga most wanted na personalidad upang matiyak ang agarang pagdakip sa mga lumalabag sa batas at maibigay ang hustisya sa mga biktima. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …