Thursday , June 4 2026
PureGold

Puregold sa mga Sari-Sari Stories: pagpapaunlad ng Komersyong Grassroots at MSME

IPINALABAS ng Puregold sa huling bahagi ng seryeng Sari-Sari Stories, ang “Pangalan,’ isang emosyonal at taos-pusong pagpupugay sa mga sari-sari store na patuloy na pinakikilos ang pang-araw-araw na pamumuhay, mga munting negosyo, at ugnayan ng mga komunidad sa buong Pilipinas.

Matapos ang paglulunsad ng mga naunang video serye, ang “Ways,” “The Sign,” at “The Witness,” pinalawig pa ng Puregold ang usapin mula sa simpleng pag-alala at nostalgiatungo sa kabuluhang pang-ekonomiko, at binigyang-diin ang serbisyo ng mga sari-sari store bilang mga pamilihang aksesibol, haligi ng komunidad, at nagsisimulang mga negosyo na sumusuporta sa mga sambahayan sa bansa.

Lumalagpas ang mga sari-sari store sa pagiging impormal na negosyo sa komunidad. Sila iyong mga huling punto ng kalakalan na tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng konsumer sa paraang malapit, pamilyar, at may handog na pagpipilian sa pamimili at pagbabayad. Ang tatag na ito ay nagbigay-daan upang manatiling mahalaga ang mga sari-sari store, sa kabila ng patuloy na pagbabago ng mundo ng retail.

Tinatapatan nito ang kahalagahan ng mga sari-sari store sa lipunan. Sa puso ng “Pangalan” ay ang idea na higit pa sa mga tindahan ang sari-sari store, kung hindi pinagkakatiwalaang mga espasyo na tinatakbuhan ng mga tao hindi lamang para sa mga mahahalagang bilihin, pati na rin para sa ugnayan at koneksiyon. Kuha ng maigsing pelikula ito: ang sari-sari store bilang tanungan, tambayan, at takbuhan.

Pinaiigting ang naratibo ng pagtatampok sa pelikula ng mga artistang OPM, sina Jhoanna Robles ng BINIStell Ajero ng SB19, at Skusta Clee–na sinasalamin din sa kani-kanilang mga personal na buhay ang pagiging pamilyar ng mga sari-sari store sa buhay ng mga Filipino. Dagdag ang kanilang partisipasyon sa kahalagahang kultural na kalakip ng mensahe ng “Pangalan,” tungkol sa mga sari-sari store, nakaangkla sa negosyo, akses, at komunidad.

Nananatiling sa pangangailangan ng masa ang pokus ng Puregold sa huling bahagi ng serye, at sa realidad ng araw-araw na pagkonsumo. Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa negosyong nakabase sa komunidad, ipinakikita lamang ng kompanya ang kabuluhan nito sa komersiyong grassrootshabang inilalaan din ang atensyon sa kontribusyon ng mga MSME sa domestikong ekonomiya.

Angkop din ang oras ng paglulunsad ng videohabang inaabangan na ng mga MSME ang nalalapit na Puregold Tindahan Ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa Mayo. Ang taunang eventay isang susing plataporma para sa mga may-ari ng sari-sari store, negosyante, at partner supplierpatunay ng pangako ng Puregold na mag-aambag sa pag-unlad at paglago ng maliliit na negosyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …