Thursday , June 4 2026
San Miguel Bulacan Police PNP

Bahay sa Bulacan nilooban  
MAY-ARI PUMALAG SUGATAN, PUSAKAL NA KAWATAN NASUKOL SA KAMPOSANTO

TINAMAAN ng bala ng baril sa dibdib ngunit ligtas ang may-ari ng bahay na pinasok ng isang pusakal na magnanakaw sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan.

Nakunan sa CCTV ang insidente kung saan makikita ang suspek na tumatakbo dala ang mga ninakaw habang hinahabol ng may-ari ng bahay.

Ilang sandali pa, nakita ang may-ari ng bahay na tumatakbo pabalik sa kaniyang bahay matapos tamaan ng bala ng baril sa kaniyang dibdib kaya agad siyang dinala sa ospital.

Samantala, nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at inaresto ang suspek sa isang kalapit na sementeryo.

Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jess Mendez, una rito ay pinasok ng suspek ang bahay ng biktima na may tindahan sa gilid at doon siya tinutukan.

Nanlaban ang biktima hanggang mabilis na tumakbo ang suspek na pumunta sa kaniyang sasakyan at kinuha ang baril hanggang dito na nagkaroon ng shootout.

Sa loob ng wala pang 24 oras, naaresto ang suspek sa pinagtaguang sementeryo at nakuha ng mga awtoridad sa kanya ang baril na ginamit sa pamamaril.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa pagamutan samantala positibong kinilala niya ang suspek na bumaril at nagtangkang manloob sa kanila.

Dagdag ni P/BGen. Mendez, nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot din ang suspek sa mga insidente ng pagnanakaw sa mga kalapit probinsiya ng Nueva Ecija at Pampanga. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …