Thursday , June 4 2026
electric wires

Sa Bulacan
3 kawatan ng kable ng koryente nasakote

NAARESTO ng mga awtoridad ang tatlong lalaking kilalang mga kawatan matapos maaktohang nagnanakaw ng electric cable wires sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes Santo, 3 Abril.

Ayon kay P/Lt. Col. Melvin Florida, Jr., hepe ng Meycauayan CPS, naganap ang insidente dakong 3:00 ng hapon, nitong Biyernes Santo, sa tabi ng LP Plaza, Brgy. Iba, sa naturang lungsod.

Napansin ng isang security guard ng katabing warehouse ang tatlong kahina-hinalang lalaki na nagbabaklas ng mga kable ng koryente at isinasakay sa isang taxi na nakaparada malapit sa lugar.

Agad itong ipinaalam ng saksi sa mga nagrespondeng pulis mula sa 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Bulacan.

Nang lapitan ng mga operatiba ang mga suspek, agad silang tumakas patungo sa direksiyon ng MacArthur Highway.

Matapos ang habulan, bumangga ang sinasakyang taxi ng mga suspek sa bahagi ng Bocaue, Bulacan na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Dav, 28 anyos; alyas Nald, 24 anyos; at alyas Inio, 37 anyos, pawang mga residente sa mga lungsod ng Quezon at Caloocan.

Narekober mula sa mga suspek ang isang bolt cutter na pinaniniwalaang ginamit sa pagputol ng mga kable, ang taxi na may plakang NEI 8138 na ginamit bilang getaway vehicle, at ang mga ninakaw na electric cable wire na tinatayang nagkakahalaga ng P6,000 na pagmamay-ari ng Meralco.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Meycauayan CPS ang mga naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong Robbery laban sa kanila.

Samantala, pinuri ni P/Col. Jay Baybayan, officer-in-charge ng Bulacan PPO, ang mabilis na pagtugon ng mga operatiba na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa mga suspek at pagbawi sa ninakaw na ari-arian. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …