Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, karapat-dapat na maging National Artist

IPINAKITA ni  Superstar Nora Aunor ang  suporta kay Direk Brillante Mendoza noong premiere ng Sapi. Dumalo siya kahit hindi kasali sa pelikula. Naiiba talaga ang category ng Superstar. Hindi kaparis ng ibang artista na kapag inimbita ay kailangang may bayad.

Grabe ang pangangailangan naman kapag ganoon ang attitude ng artista at manager. Puro pera, pera at pera pa.

Malakas na contender si Nora bilang National Artist, baka naman may kokontra pa? Dapat bigyan ng leksiyon o seminar, kung sino man ang tututol na gawing National Artist si Guy. Pwede ring itirik ng patuwad  sa Luneta.

Kapamilya, may Pamaskong handog sa mga Pinoy

HINDI mauunahan ang ABS-CBN pagdating sa mga show na Pamasko. May inihanda silang programa na tiyak aantig sa damdamin ng bawat Filipino.

Sa kabila nga naman ng pagdating ng mga disaster, lindol at himagsikan sa Zamboanga, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.

Gelli, mistulang referee sa dalas ng away sa kanyang show

DAPAT palakpakan si Gellie De Belen sa Programa niya sa TV5. Paano daw kayang nahaharap ang sistemang halos magsalpukan sa galit ang mga contestant niyang nag-aaway sa show?

Komedyante si Gelli pero sa uri ng programa niya, mistula siyang referee sa mga nag-aaway. Hindi raw kaya nagkaka-nightmare si Gelli sa pagtulog dahil palaging may  kaguluhan tuwing taping?

Ang dapat daw na title ng show ni Gelli ay High Blood show dahil ang topic ay palaging away.

Kasalang Pauleen at Vic,

hinihintay na

DAHIL nalalapit na ang Kapaskuhan, may mga nagtatanong kung kailan daw kaya ihaharap sa dambana ni Bossing Vic Sotto ang matagal na niyang girlfriend na si Pauleen Luna?

Baka raw maunahan pa sila ng kontrobersiyal love affair nina Ka Freddie Aguilar at Bagets girl na si Daisy ng Mindoro. Mauunahan sila sa pagputok ng balitang May- December affair of the year na ikakasal.

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …