Thursday , June 4 2026
Sigarilyo Yosi

Sa patuloy na operasyon ng PRO3
P1.38-M YOSING ILEGAL NASABAT SA NUEVA ECIJA  
Crackdown pinatindi sa Bulacan at Tarlac

NASAMSAM ng mga awtoridad mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang mahigit P1.38 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo sa magkakahiwalay pero mas maigting na operasyon na isinagawa sa Nueva Ecija at Pampanga, habang pinatitindi rin ang crackdown laban dito sa Bulacan at Tarlac

Dakong 11:30 ng gabi nitong Lunes, 6 Abril, naharang ng mga pinagsanib na operatiba ang isang puting Nissan Urvan sa isang checkpoint operation sa Zaragoza, Nueva Ecija, at nakompiska ang 85 kahon ng ilegal na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P1,002,000.

Dinakip sa operasyon ang 46-anyos driver at pahinanteng 36-anyos, nang bigong makapagpakita ng kaukulang dokumento.

Samantala, 12:20 ng hatinggabi nitong Martes, 7 Abril, nagsagawa ang mga operatiba ng Pampanga PIU, sa pakikipagtulungan ng Arayat MPS, ng buybust operation sa Arayat, Pampanga, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 43-anyos lalaking suspek dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code.

Nakuha ang 19 kahon ng ilegal na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P360,000, at isang sasakyan, habang ang isa pang suspek ay nananatiling malaya.

Lahat ng nakompiskang mga piraso ng ebidensiya ay walang BIR tax stamps kaya inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

Ayon kay Nueva Ecija PPO Provincial Director P/Col. Ritchie Claravall, ang pagiging epektibo sa operasyon ng mga operatiba sa checkpoint ay nagbubunga sa pagkakasakote ng mga ilegal na produkto.

Samantala, sinabi ni Pampanga PPO Provincial Director P/Col. Eugence Marcelo, ang pinaigting na intelligence driven efforts laban sa ilegal na kalakalan ay pinagtitibay ng kanilang pangakong agresibong pagpapatupad ng batas sa antas probinsiya.

Binigyang-diin ni PRO3 Regional Director P/BGen. Jess Mendez ang mas malawak na epekto ng mga operasyon bilang proteksiyon sa ekonomiya, pagtiyak ng patas na mga gawi sa negosyo, at pangangalaga sa kita ng gobyerno. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …