Thursday , June 4 2026
Marilao Bulacan Police PNP

Tulak ng ‘kush’ swak sa parak

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao Municipal Police Station (MPS) na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang lalaking hinihinalang tulak sa Brgy. Loma De Gato, Marilao, Bulacan, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 8 Abril.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Marilao MPS ang 19-anyos na suspek, residente sa nasabing barangay, ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinagawa ang operasyon katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at alinsunod sa umiiral na mga alituntunin.

Nakompiska mula sa suspek ang tinatayang 23 gramo ng hinihinalang high-grade marijuana o “Kush” tinatayang nagkakahalaga ng P37,950.

Dinala ang naarestong suspek at ang mga nakompiskang piraso ng mga ebidensiya sa Marilao MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kaniya.

Muling pinagtitibay ng Bulacan PPO ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga at hinihikayat ang publiko na makiisa at maging mapagmatyag sa kanilang komunidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …