Come to me, all you who are waery and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will fimd rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light. —Matthew 11: 28-30
NALALAPIT na ang ika-150 taon ng kaarawan ng ating bayani si Andres Bonifacio.
Sa darating na Nobyembre 30 isang magarbong paghahanda ang ginagawa ng National Commission on Culture and Arts (NCCA) at National Historical Institute (NHI).
***
PERO dito sa Lungsod ng Maynila, na sinilangan ni Bonifacio, imbes bigyan ng honor o parangal ang ating “Rebolusyonaryong Pangulo” binababoy ang kanyang mga rebulto o shrine.
Makikita ito sa kanyang shrine sa Arroceros katabi lamang ng Manila City hall. Salaula na ang Bonifacio shrine. Marumi, mabaho, ginawang palengke, ginawang karnabal ang sagradong monumento ng ating pambansang bayani.
***
SABI nga ng marami na nakakapansin, kung makapagsasalita lamang si Bonifacio ngayon ay baka pagtatagain niya ng hawak na gulok ang mga responsable sa pagsalaula sa kanyang shrine.
Nagkalat ang iba’t ibang uri ng paninda, nilagyan pa ng ferries wheel, wala nang madaanan, wala na talaga ang dating ganda ng Bonifacio shrine na ipinagawa ng ating Mayor Alfredo Lim.
Kawawang Andres!
***
DAPAT mapag-aralan ito ng dalawang sa-ngay ng ating gobyerno na nangangalaga sa mga bantayog ng ating mga bayani——ang National Historical Institute (NHI) at National Commission on Culure and Arts (NCCA).
Inuulit natin sa kahit saan ipunto ang shrine ng ating mga bayani ay sagradong lugar. Hindi ito nararapat lagyan ng ano mang komersyo lalo na ang paglalagay ng mga peryahan.
Pasyalan n’yo naman po sana ang Boni-facio shrine!
KAGYAT NA AYUDA
SA TACLOBAN CITY!
KAWAWA ang mga kababayan natin sa Visayas region na tinamaan ng matinding hampas ng suoper typhoon Yolanda.
Masuwerte tayong mga nasa Metro Manila, walang masyadong epekto ang bagyo na tumama nitong Biyernes ng umaga.
***
KAYA panawagan ko sa mga kabarangay natin, tulungan natin ang mga biktima ng kalamidad. Nagpa-abot na rin ng pakikisampatiya si Mayor Alfredo Lim sa mga pamilya ng mga biktima.
Nalulungkot ang inyong lingkod sa sinapit ng mga taga-Tacloban City. Total devastated ang buong siyudad kaya kagyat na tulong ang kanilang kailangan. Gutom na gutom na ang mga residente dito na dahilan nang pagkakaroon ng masssive looting sa mga tindahan ng Lungsod, wala kasi silang makitang mapagkukunan ng pagkain.
Kaya mga kabarangay, ang maliit na tulong kapag pinagsama-sama ay nagiging malaki!
CONGRATS NONITO DONAIRE!
IPINAAABOT naman ni Mayor Alfredo Lim ang malugod na pagbati kay Filipino Flash Nonito Donaire na muling nagwagi kahapon sa pamamagitan ng technical knockout laban kay Vic Darchinyan.
Rematch ang laban nila kahapon, matapos ang anim na taon mula nang una silang maglaban at pabagsakin ni Donaire ang Armenian boxer sa 5th round sa kanyang left hook.
***
KAHAPON sa kanilang laban parang dejavu ang naganap dahil muling pinabagsak ni Donaire si Darchinyan ng kanyang powerful left hook sa 9th round.
Paboritong boksingero ni Mayor Lim si Donaire. Katunayan ilang beses binigyang pagkilala ng Lungsod at pinararangalan. Tuwing magwawagi ito sa laban, nagpeprepara si Mayor Lim ng isang engrandeng pagsalubong at motorcade sa kanya sa Maynila.
Mula rin sa amin, congtratulations Filipino Flash!
MABUHAY, MISS UNIVERSE
3rd RUNNER-UP ARIELLA ARIDA!
BATIIN rin natin ang ating pambato sa Miss Universe Pageant na si Ariella Arida na bagama’t hindi nasungkit ang titulo, nakuha naman natin ang 3rd runner up sa pinaka-prestihiyosong beauty pageant sa buong mundo.
Outstanding ang dating ni Ariella sa mga manonood na inalay ang palabas sa mga biktima ng super typhoon sa bansa.
***
SA kabila ng mga unos at pagsubok sa atin, nariyan pa rin sa kabilang banda ang mga tagumpay upang magsilbing inspirasyon sa atin para makabangon muli.
Ipinapakita lamang nina Donaire at Ariella na kailanman ay hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Filipino anumang dagok ang dumating sa kanilang buhay.
Dahil kaya natin ito!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355 begin_of_the_skype_highlighting 0932-3214355 FREE end_of_the_skype_highlighting. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com