MATABIL
ni John Fontanilla
MAGSISIMULA na sa April 11 ang pinakabagong talkshow ng bayan, ang Talk Express with Toni Co.
Hatid ng talkshow ang mga fresh, maiinit, at naglalagablab na balitang showbiz.
Makakatsikahan ni Toni sa kanyang pilot episode ang veteran actor na si Mon Confiado.
Ani Toni, “‘Yung show ko mas bago, mas fresh na usapan, alam ko makare-relate ang lahat. Kahit ano mang generation, kailangan nilang mapanood ito.”
Ang magaling na host na si Boy Abunda at Sharon Cuneta ang pangarap ni Toni na ma-interview.
“Pangarap ko ma-interview ang King of Talk na si Tito Boy at siyempre ang Megastar Sharon Cuneta bilang Sharonian ako, ‘di ba?! ‘Yung fan ini-interview ‘yung idol n’ya, jusko baka mahimatay ako,” sambit pa ni Toni.
Mapapanood ang Talk Express with Toni Co sa April 11, 5:00 p.m. sa KMD Studios Youtube /Facebook at Cignal TV 106.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com