Monday , June 22 2026
Rhea Tan Beautederm

Beautederm CEO Rhea Tan may pa-2nd round ng free full tank gas

ni MARICRIS VALDEZ

KAHANGA-HANGA ang pagtulong na ginagawa  ng Beautederm President, CEO, Ms Rhea Anicoche-Tan dahil hindi lang minsan o isang beses kundi masusundan pa ang pagbibigay niya ng libreng full tank gas sa mga driver.

March 30 unang namahagi si Ms Rei ng libreng full tank sa first 100 delivery riders at tricycle drivers gayundin ang sumunod na 100 ay nabigyan naman ng P500 worth ng fuel, pati bigas. Bukod sa fuel, ang mga rider ay nabigyan din ng limang kilong bigas at Beautéderm sunscreen, na tamang-tama at kailangan ng mga driver na laging bilad sa araw.

At noong Martes, muling inanunsiyo ng mabait na negosyante na magkakaroon ng second round ng libreng full tank gas. 

Magra-round 2 po tayo ng pa-Free Full Tank Gas. 🥺😭,” post ni Ms Rei sa kanyang Facebookaccount.

Pahayag ni Ms Rei, may mabuting puso na nag-donate ng Givenchy bag na ang mapagbebentahan ay gagamitin sa pagbibigay ng libreng full tank gas.

Dadagdagan niya rin aniya ang makakalap na pera mula sa mamahaling bag mula naman sa mga gamit niya ring ipabi-bid.

May isang mabuting puso pong nag-donate ng authentic Given chy  bag. Ibinigay niya po ito para maibenta natin, at ang buong mapagbebentahan ay magagamit para makapagpamigay ulit tayo ng libreng full tank sa ating mga kababayan na hirap na hirap na sa araw-araw. 🙏🏼

“At ako rin po, magkakalkal ulit ng mga gamit ko. Ibebenta po natin. Ipa-bid po natin. Kasi alam ko po, marami pa ring umaasa. Marami pa ring bumabangon araw-araw kahit pagod na pagod na. Kahit wala nang natitira sa kanila. Kahit hindi na nila alam saan sila kukuha ng panggastos bukas. 💔

Batid ni Ms Rhea na pangulo rin ng Rotary Club of Balibago ang hirap ng mga driver kapag hindi nakabyahe. Dahil kung walang byahe, walang pambili ng pagkain ang pamilya.

Ang hirap pong makita ang mga kababayan natin na pilit pa ring lumalaban kahit ubos na ubos na sila. 

“May mga tatay na bumabiyahe kahit wala nang tulog. Kahit masakit na ang likod at katawan. Kasi alam nilang pag hindi sila lumabas, walang kakainin ang pamilya nila. May mga rider na halos hindi na kumain para lang may maipang-gas at may maiuwi sa mga anak nila. Nakakadurog ng puso 💔

Minsan mapapatanong ka na lang talaga… “Lord, hanggang kailan pa po?” Kasi ang daming mabubuting tao na gusto lang namang mabuhay nang marangal, pero parang araw-araw lalo silang sinusubok. Ang daming lumalaban nang patas, pero sila pa yung pinakaubos na ubos. 😭.”

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Ms Rhea sa nag-donate ng bag kasabay ang panawagan sa mga gustong magbigay-tulong din at makiisa sa kanilang proyekto.

Kaya sobrang salamat po sa nagdonate nt bag nya, nabasa nya ang post ko. Kaya gusto din po ni Maam makatulong. Saka sa isang full tank… may isang tatay na makakapasok pa sa trabaho. May isang rider na makakabiyahe ulit. May isang pamilya na kahit isang gabi lang, makakatulog nang hindi umiiyak at nag-aalala kung saan kukuha ng panggastos kinabukasan. 

“Sa mga gusto pong tumulong, bukas po ang Beautéderm Building. Kung may mga gamit po kayo na pwede ninyong i-donate, ibenta po natin at gawing cash para mas marami pa tayong matulungan. Hanapin niyo lang po si Ma’am Mylene o si Ma’am Chona. 🙏🏼

Sa huli nanawagan din ang Beautederm CEO ng panalangin para matapos na ang krisis na kinakaharap nating lahat.

Ipagdasal po natin na matapos na ang crisis na pinagdadaanan natin. Lord, have Mercy 🥺🙏🏼💔Pagod na po ang marami… pero kapit lang po kami sa dasal. Hangga’t may mga pusong marunong magmahal at tumulong( at sana gumalaw na po ang mga nanungkulan) may pag-asa pa. 🙏🏼

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …

Film Academy of the Philippines Pinoy Oscars Pursuit

Film Academy of the Philippines binuksan Oscars Grants Program para sa mga Filipino Filmmaker

BINUKSAN ngayon ng Film Academy of the Philippines ang mga pagsusumite para sa grants program, ang Pinoy Oscars …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal Bongga Ka Day The Musical

Atasha pinaghandaan audition sa Bongga Ka, Day The Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DUMAAN sa matinding auditions at call backs si Atasha Muhlach bago napili bilang  Annie Batungbacal sa Viva …

Vince Rillon The Cheating Wife

Vince Rillon ‘di maiwan ang VMX 

I-FLEXni Jun Nardo NAGLILIWALIW muna ang VMX artist na si Vince Rillon at ang VMX movie na The Cheating Wife ang …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …