Thursday , June 4 2026
World Slasher Cup Ikalawang Edisyon 2026

Rehistrasyon sa World Slasher Cup – Ikalawang Edisyon 2026 nagbukas na

PORMAL nang nagbukas ng rehistrasyon ang World Slasher Cup (WSC) para sa ikalawang edisyon ng torneo nito sa taong 2026, na gaganapin mula ika-19 hanggang ika-25 ng Mayo sa Smart Araneta Coliseum sa Lungsod ng Quezon.

Matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng 9-cock Invitational derby mula ika-26 ng Enero hanggang ika-1 ng Pebrero ngayong taon, muling magbabalik ang WSC sa Big Dome para sa isa na namang linggong kompetisyon na magtatampok sa mga piling tagapag-alaga at mga panabong na manok mula sa lokal at pandaigdigang industriya ng sabong.

“Aang ikalawang edisyong ito ay nagpapatuloy sa mga pamantayang matagal nang kinikilala sa World Slasher Cup,” pahayag ni Irene L. Jose, punong tagapagpaganap (Chief Operating Officer) ng Uniprom Inc., ang kumpanyang nangangasiwa sa Smart Araneta Coliseum. “Inaasahan namin ang matatag na partisipasyon, sapagkat nananatiling nakaugat ang torneo sa matibay nitong tradisyon at integridad.”

Kilala bilang “Olympics of Cockfighting,” ang World Slasher Cup ay itinuturing na isa sa pinakamatatag at pinakasinusubaybayang derby competition sa larangan ng sabong. Unang isinagawa noong 1963 sa makasaysayang Big Dome, ito ay naging isang taunang pandaigdigang kaganapan na patuloy na umaakit sa mga nangungunang tagapag-alaga at kanilang mahahalagang bloodline para sa serye ng mga laban na masusing tinututukan.

Ang nalalapit na edisyon ay susunod sa tradisyunal na anim na araw na pormat ng torneo. Isasagawa ang elimination rounds sa ika-19 at ika-20 ng Mayo, na susundan ng semifinals sa ika-21 at ika-22. Gaganapin ang huling yugto ng qualifying bouts sa ika-24 ng Mayo, at magtatapos ang torneo sa ika-25 ng Mayo upang matukoy ang pangkalahatang kampeon.

Sa unang edisyon ng World Slasher Cup 2026 na isinagawa mas maaga ngayong taon, ang mga entry nina Rod Advincula, Tata Rey Briones, at Tony Kho (Greengold SPRTN-2); Don Guam at Nad Mendoza (V Boyz NM); Jonarie Fortaleza at Robert Santiago (Rueda 5 Gallera De Legaspi-1); at Biboy Enriquez (Firebird Angels) ay nagtala ng 8-1 na panalo-talo at nagbahagi sa kampeonato. Samantala, ang entry nina Pep Goitia at Alvin Aranez (Alab 2028-Red 2 Feb/ 24 S Ynares) ay nakapagtala rin ng walong puntos bago ang pinal na yugto.

Ang mga bagong kampeon ay nadagdag sa talaan ng mga nagwagi sa World Slasher Cup, kabilang sina Mike Formosa, Ray Alexander, Patrick Antonio, Ed Apari, at Biboy Enriquez, at iba pa.

Ang mga interesadong kalahok ay maaaring bumisita sa www.worldslashercup.ph

 o sa kanilang opisyal na Facebook page para sa karagdagang impormasyon. Ang mga aplikante ay kinakailangang sumailalim sa proseso ng pagsusuri mula sa Derby Office bago tanggapin sa Invitational 9-cock Derby. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …